• Home
  • Fresh Scoops
  • PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak na may special condition

PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak na may special condition

PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang mga karanasan at pinagdaanan bilang single mom sa kaniyang dalawang anak na may special condition.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/2/2019 12:12 PM
PBB Otso ex-housemate Hasna Cabral, ikinuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak na may special condition


Photo credit: Hasna Cabral FB Page (R)

Matapos maging usap-usapan ang kuwento ng buhay ng PBB (Pinoy Big Brother) Otso ex housemate na si Hasna Cabral habang nasa loob ng Bahay Ni Kuya, humarap naman siya sa mga momshie hosts nitong Lunes, July 1, para muling ikuwento ang pagiging single mom sa dalawang anak niyang may autism.

Ayon kay Hasna, hindi naging madali sa una ang pagpapalaki ng dalawang anak na sina Bash at Baste. "Struggle siya sa simula [kasi] kakatapos ko lang din po mag-aral that time, and somehow po hindi kami financially prepared po nung partner ko. Pero I tried my best po talaga," kuwento niya.

Una nang ibinahagi ni Hasna ang espesyal na kondisyon ng dalawang anak sa isang episode ng PBB, kung saan ay emosyonal niyang ikinuwento ang isang beses na naranasang bullying bunsong anak na si Baste. Dito rin ay ipinaliwanag niya ang mga sakripisyong ginawa mula sa pagpapa-check up hanggang sa pagpasok ng mga anak sa special school at mga therapies.

Panoorin ang episode ng PBB dito: 

Sina Bash at Baste ang mga anak ni Hasna sa dalawang ex-partner niya. Ayon din kay Hasna, nitong taon lang din bago siya maging opsiyal na PBB housemate, nang maghiwalay sila ng ikatlong-partner niya.

"One year and four months kami mag boyfriend, [then] nag propose siya, so nagpakasal kami. Ten months nagsama kami and we were a very happy family. Pero pagpasok ng 2019 nagsabi siya sa akin na he has changed his plans, nagplano na kami.

"Actually birthday ko nang makipaghiwalay siya sa akin, this year. Bago ako pumasok ng PBB talaga, emotionally, I'm not prepared," kuwento ni Hasna sa mga momshie hosts.

Aminado ang 30-year old ex-housemate na minsan siyang nagalit sa Diyos dahil sa mga pinagdaanan niya sa buhay pag-ibig at pagiging ina. 

"Kinausap ko yung Diyos, ang sabi ko sa kaniya, 'I was never a bad person.' Never akong gumawa ng masama, never akong nang-apak ng iba para sa ipapakain ko sa mga anak ko.

"Parang sabi ko, bakit parang hindi ko deserve 'to, parang hindi deserve ng mga anak ko na mag-suffer na mabully sila, masaktan sila, just because they're weak and they don't understand. Bakit ang lupit lupit ng mundo, parang galit ako sa Diyos that time," ani Hasna. 

Pagpapatuloy niya, "Yung exact thing na sinabi ko sa anak ko, pinaalala sa aking ng Diyos na... God is teaching us lessons in life, para mag grow tayo, ma-impove natin ang mga sarili natin. From that day, bumangon ako. And then after non, tinawagan na ako ng PBB, yun na yung chance."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ideal girl

A post shared by Miss Hasna Cabral (@hasnacabral) on

 

READ: Vice Ganda becomes emotional upon meeting PBB housemate Hasna Cabral

June 21 nang ma-evict mula sa Bahay ni Kuya si Hasna na kilala bilang Ukay Nanay ng Cavite.