• Home
  • Fresh Scoops
  • Ian Veneracion, pinagmamalaki sa mga kaibigan na produced by Ogie Alcasid ang concert niya

Ian Veneracion, pinagmamalaki sa mga kaibigan na produced by Ogie Alcasid ang concert niya

Ian Veneracion, masaya sa full support ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/2/2019 11:05 AM
Ian Veneracion, pinagmamalaki sa mga kaibigan na produced by Ogie Alcasid ang concert niya


Sa Tonight with Boy Abunda, excited si Ian Veneracion sa nalalapit niyang concert na may title na Ian in Color.

WATCH Push Now Na EXCLUSIVE: Ian Veneracion gives an update about his upcoming concert

Ang Ian in Color ay produced ng mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid na ayon kay Ian ay very supportive sa kanya. “I’m very very excited and yung mag-asawang yan, they’re very very supportive of people just getting into the music industry. Like myself,” ani Ian. 

Pinagmamalaki din ni Ian sa mga kaibigan niya na produced by Ogie ang concert niya. “And when I tell my friends, I’m very very proud always to say na you know si Ogie is producing this.  It makes me sound legit… It makes me sound legit when it’s them supporting me,” dagdag pa ni Ian. 

Isa pa sa mga aabangang projects ng heartthrob musician at actor ang isang zombie movie kung saan makakasama niya sina Joshua Garcia at Julia Barretto. Ang title ng movie ay Block Z.

READ: Ian Veneracion on being part of the zombie movie ‘Block Z’: ‘It’s legit talaga’

Produced by Black Sheep ang Block Z at action film daw ito ani Ian dahil sa “tumatakbo ang mga zombies.” Wala pa daw silang play date sa ngayon pero tapos na sila sa pag-shoot ng Block Z.