Fumiya Sankai, plano ipasyal sa Japan si Yamyam Gucong

All set na din ang FumiYam sa nalalapit na pagbabalik nila sa Big Brother House.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/2/2019 9:57 AM
Fumiya Sankai, plano ipasyal sa Japan si Yamyam Gucong


Kasing lagkit ng tikoy kung ilarawan ngayon Pinoy Big Brother housemates na sina Yamyam Gucong at Fumiya Sankai ang isa’t-isa na aminadong mas malalim na ngayon ang pagkakaibigan.

Sa panayam ng PUSH at ilang miyembro ng entertainment press sa 2019 Piña Festival kung saan special guest sina Yamyam and Fumiya kasama sina Lou at Andre, inilarawan ng Inspirational Brothers ang kanilang samahan na nabuo sa loob ng “Big Brother” house.

 

“Kung gaano kalagkit ang tikoy, mas ganun din ang friendship namin (laughs) kasi inside (Big Brother) nagkaalaman na kami through ourselves and in outside world also,” sabi pa ni Yamyam.

Aniya, mas nakilala din nila ang isa’t isa sa tuwing magkasama sila sa mga out of town shows at appearances.

“Parehas kami ng hotel, (sabay kami) pag kumakain kami, pag na bo-boring ako sa room ko pupunta ako sa kanya, together eating and talking talking like that, ‘di ba?” ani Yamyam.

Si Fumiya naman, binigyang linaw ang mga nagsasabing hindi tunay ang kanilang pagkakaibigan.

“I think many people are thinking about it, kasi sometimes people think and talk to me ‘Like is your friendship totoo?’ Pero for me it’s very totoo and even outside world, like he said,” sabi ni Fumiya.

Pinagtawanan na lang ng Inspirational duo ang mga binibigyang kulay ang kanilang pagkakaibigan.

“Some other fans sinasabi na you’re my jowa ‘di ba?” ani Yamyam kay Fumiya.

“Sobrang friends talaga, hindi jowa!” masayang sabi ni Fumiya.

At dahil kakabalik lang ni Fumiya sa Pilipinas galing sa maikling bakasyon sa Japan, umaasa din si Fumiya na madala niya sa Japan ang matalik na kaibigan.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Ginza

A post shared by Fumiya Sankai 三海フミヤ (@23shun_base) on

 

“Oo, yeah-yeah, gusto kong pumunta sa Japan with him (Yamyam) baka after PBB, I will,” sabi ni Fumiya.

Sa ngayon, naghahanda si Yamyam at Fumiya sa nalalapit na pagbabalik mila sa Pinoy Big Brother House at Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home.