• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Enzo Pineda, aminadong na-conscious sa ginawang daring scenes sa ‘Malamaya’

EXCLUSIVE: Enzo Pineda, aminadong na-conscious sa ginawang daring scenes sa ‘Malamaya’

Inamin ni Enzo Pineda na dati niyang crush si Sunshine Cruz, ang kanyang co-star.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/2/2019 10:04 AM
EXCLUSIVE: Enzo Pineda, aminadong na-conscious sa ginawang daring scenes sa ‘Malamaya’


Photo credit: @its_enzopineda on Instagram (R)

Aminado si Enzo Pineda na ang ginagawa niyang pelikula ngayon para sa 2019 Cinemalaya na Malamaya ang most daring role na ginawa niya.

“Yes, yes, yes it is,” pag-amin ng aktor sa PUSH.

“Well, I’ve done mga underwear shoots for Bench, pero this is for the film talaga, eh. Actually, hindi ko alam kung anong iisipin ng magulang ko pag napanood nila ito. Pero they know, nagpaalam naman ako. Sabi ko, ‘May mga ipapakita akong parts of my… but this  is an artistic film,’” dagdag pa niya.

Tinanggap ba agad niya ang project after reading the script?

Sagot ni Enzo, “Sa totoo lang, na-excite ako. Ready ako sa kahit anong mangyari. Pag nag-Cinemalaya ako bilang actor I have to expect to give more than what is expected for me.”

Habang tumatagal ang syuting ng Malamaya ay hindi raw naiwasang makaramdam si Enzo ng hirap lalo na sa mga daring scenes.

“Sabi ko kay Shine [Sunshine Cruz], ‘Ang hirap pala nito.’ Kasi parang may times na, okey confident ako, pero habang tumatagal, maraming takes, unti-unti na akong nako-conscious.

“Sabi ko, ‘Oo nga ‘no, wala pala akong suot.’ I felt that yung buong kaluluwa ko in-expose ko sa film which pag pumapasok sa utak ko, ‘Grabe, ginawa ko yon? Nakakatakot ah,’” kuwento ng aktor.

Pero proud naman daw siya sa kanyang ginawa.

“Nakaka-proud din at the same time. Sabi ko if I want to be an award-winning actor o yung ire-recognize as an actor I have to be open with this types of roles or I have to expose myself,” deklara pa niya.

Si Sunshine Cruz ang kapareha ni Enzo sa Malamaya. Eh, kumusta namang katrabaho ang aktres?

“Sunshine is very professional, open siya. In real life sobrang bait niyang tao. Napaka-sweet. Napaka-collaborative.

“And since siya yung mas knowledgeable sa akin, she was able to calm me down in situations na tingin ko napi-pressure ako.

“Bata palang ako crush ko na siya, eh. And now working with her, parang ‘what, makakatrabaho ko si Sunshine Cruz?’ Dream come true ito for me,” pahayag ni Enzo.