Nadine Lustre, may pakiusap sa JaDine fans

Abala ngayon si James Reid at Nadine Lustre sa kani-kanilang mga solo projects.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/19/2019 4:22 PM
Nadine Lustre, may pakiusap sa JaDine fans


Handang handa na ang 2019 FAMAS at Gawad Urian Best Actress na si Nadine Lustre para sa kanyang upcoming dance movie na Indak kasama si Sam Concepcion.

Kuwento ni Nadine, naging malapit sa puso niya ang karakter na ginagampanan dahil sa pareho sila sa ilang katangian nito.

 

 

“I guess sa experience ko po kasi portraying Jen, ‘wag po kayo matakot kung ani ‘yung dreams niyo, I-push niyo lang hanggang sa maabot niyo ‘yun. Kasi once na alam mo ‘yun nag-doubt ka sa sarili mo tapos umatras ka na, wala na. So forever na ‘yun mawawala sa ‘yo,” sabi ni Nadine sa panayam ng entertainment press sa naganap na grand media launch ng Indak movie.

Paghahalintulad ni Nadine, “Parang istorya ko nga po ‘yun e,” aniya pa.

Bukod sa pelikula, madami na din ang nag-aabang sa Pinoy remake ng Korean movie na Miracle in Cell #7 kung saan makakasama naman niya si Aga Muhlach, at magiging bahagi ng 2019 Metro Manila Film Festival.

READ: Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

Matatandaan na sa presentation nito, marami sa fans ni James at Nadine o JaDine fans ang umaasa sa kanilang next movie together, kaya naman paliwanag ni Nadine.

“Well I get naman po ‘yun, medyo matagal naman na nga kami walang project ni James together sa big screen or kahit sa TV, but we don’t think, we should rush things. Ako po kasi naniniwala ako na may right timing for everything o so hindi naman kailangan magalit, ma-disappoint or anything, darating po ‘yun antayin lang natin,” sabi ng aktres.

Kung tatanungin naman kung may kasado na bang plano para sa kanila sagot ng aktres. “Ah tingnan na lang po natin, kasi medyo lined-up na din po ‘yung mga projects so, hindi ko pa din naman po alam,” aniya.

Hindi man daw magkasama, masaya si Nadine na sabay pa din sila nag-grow ni James sa kanya-kanyang mga proyekto.

“Yes siyempre it’s different naman po this time kasi hindi naman po pwede na lagi kayo magkasama dalawa, it’s also stepping stone na you know, you grow together, you grow apart. So it’s nice din na wala si James  kasi I have my own project,” pahayag pa niya.

Mapapanood na sa mga sinehan ang Indak simula August 7, sa direksyon ni Paul Basinillo.