Jane de Leon, sasabak sa training bilang ‘Darna’

Nakatakdang sumabak si Jane de Leon sa matinding training bilang paghahanda sa kanyang role sa pelikulang Darna.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/19/2019 2:35 PM
Jane de Leon, sasabak sa training bilang ‘Darna’


Photo credit: @imjanedeleon on Instagram

Nakatakdang sumabak si Jane de Leon sa matinding training bilang paghahanda sa kanyang role sa pelikulang Darna.

Sa interview ng Preview nitong linggo, ibinahagi ng aktres na, tulad ni Liza Soberano, Muay Thai ang kanyang napiling sport upang ma-achieve ang kanyang fitness goals para sa proyekto.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Middle of the night #Blur @skechersph

A post shared by J A N E (@imjanedeleon) on

 

Ngunit higit pa sa pagiging ‘fitspiration’, hiling ni Jane na magsilbing inspirasyon bilang bagong super heroine sa mga kabataan na tulad niya ay dumaranas ng depresyon, anxiety, at iba pang mental health issues.

Kwento niya, "It's not that easy kasi kinakain ka talaga ng depression and anxiety. But kailangan mo talaga siyang labanan.”

"You need someone to talk to. Iyan yung pinaka-kailangan kasi syempre 'yung iba, takot silang i-share. Pero you need someone to lean on lang talaga and to understand. Iyan yung pinaka-importante, yung hindi ka iju-judge."

 

 

READ: Introducing our new Darna, Jane de Leon

Marahil dahil na rin dito kung kaya’t inamin ni Jane na mas nakaka-relate siya kay Narda kaysa kay Darna.

"Si Darna kasi syempre strong siya. She’ll do anything to save the people. Pero si Narda kaya rin niyang magsakripisyo, especially para sa mga mahal niya sa buhay," dagdag pa niya.

Miyerkules nitong linggo nang pinangalanan ni Olivia Lamasan, ang managing director ng ABS-CBN Films si Jane bilang bagong Darna. Ayon sa kanya, “unanimous decision” ang naging pagpili nila sa Halik star.

“Natuwa nga ako na isa siya sa mga nag-audition. Sabi ko ay there's something about her. Pati si Direk Lauren (Dyogi) said there's something about her. Bilang filmmakers, may nakikita kami. Malakas ang instinct ng bata," aniya. 

Ayon naman sa direktor na si Jerold Tarrog, masaya siya sa naging desisyon ng executives na pumili ng bagong mukha para sa iconic role. Aniya, "The execs wanted a new face for Darna and I was all for it. The short list was a good mix but ultimately it was about who could carry the role.”