• Home
  • Fresh Scoops
  • Former Idol Philippines 2019 finalist Sheland Faelnar, inaming nasaktan sa comments ng judges

Former Idol Philippines 2019 finalist Sheland Faelnar, inaming nasaktan sa comments ng judges

Former Idol Philippines 2019 finalist Sheland Faelnar, nasaktan daw sa comments ng judges.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/19/2019 10:54 AM
Former Idol Philippines 2019 finalist Sheland Faelnar, inaming nasaktan sa comments ng judges


Sa Tonight with Boy Abunda, aminado si dating Idol Philippines 2019 finalist Sheland Faelnar na nasaktan siya sa comments ng judges para sa kanyang last performance sa competition. “Nasaktan po ako sa mga comments po nila, but still siyempre po I respect their comments,” sabi ni Sheland. 

KILALANIN: ‘Idol Philippines’ Top 12 Contestants

Ang importante daw ay binigay niya ang best sa performance niya at “nai-apply” niya ang comments ng judges sa previous weeks ng live show. 

Sa tingin rin ni Sheland ay hindi matanda para sa kanya ang song choice niya dahil pamilya ang pinaghugutan niya ng mensahe ng kanta. “Nag-internalize lang po ako sa mga bagay na pwede akong makarelate sa song… about po naman sa family,” ani Sheland. 

Huling beses naman kinilig si Sheland noong nakilala niya ang idol niyang love team na sina James Reid at Nadine Lustre sa Idol Philippines 2019.