Ronnnie Alonte, aminadong ‘lumaki ang ulo’ noon

"Hindi na ho ako babalik sa ganon," pangako ni Ronnie Alonte pagkatapos amining naging mayabang siya noong nagsisimula pa lang ang karera sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/18/2019 11:30 AM
Ronnnie Alonte, aminadong ‘lumaki ang ulo’ noon


Photo credit: @iamr2alonte on Instagram

Naging bukas sa pagkukuwento ang Hashtags member na si Ronnie Alonte sa pagiging 'mayabang' noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz industry. Sa episode ng Magandang Buhay nitong Martes, July 16, binalikan ni Ronnie kung paano niya biglang na-realize ang hindi magandang asal noon. 

"Noong bago pa lang ako sa Hashtags, nabigyan ho ako ng break after ng GGV, ikinalaki yun ng ulo ko. Noon po feeling ko artista na ako. Hindi ko na nabibigyan ng time yung mga kaibigan ko sa Biñan na kasi gusto ko artista kasama ko e," kuwento ni Ronnie sa mga momshie hosts.

Pagpapatuloy ni Ronnie, isang pagkakataon ang nagpagising sa kaniya. "Pero mayroon pong sumampal sa akin na parang bumulong sa akin na 'Hindi na ikaw yan. Hindi na ikaw yung Ronnie na nakakasama namin,’" sabi ng aktor. 

Ito rin ang dahilan kung bakit nagiging sensitibo si Ronnie kapag binibiro siya ng 'nagbago ka na.'

"Sobrang sensitive ko sa 'nagbago ka na.' Iniingatan ko na yung mga salitang yun. Sinabi ko sa sarili ko, 'Wala ka pang napapatunayan, Ronnie. At kahit may mapatunayan ka man o wala, hindi dapat lalaki ang ulo mo," paliwanag ni Ronnie na hinangaan ng mga momshie hosts sa kaniyang pagiging bukas. 

"Sinabi ko sa sarili ko, 'Wala ka pang napapatunayan, Ronnie. At kahit may mapatunayan ka man o wala, hindi dapat lalaki ang ulo mo.' Hindi na ho ako babalik sa ganon," pahabol na pahayag ni Ronnie. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

☘️

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@iamr2alonte) on

 

READ: ‘What’s up, madlang people!’: Viral kid finally guests on ‘It’s Showtime’

READ: Loisa Andalio at Ronnie Alonte, walang isyu kung paghihiwalayin para sa magkaibang proyekto

Sa parehong episode din ng morning talk show, ipinaliwanag ni Ronnie kung paano naging malapit siya sa kapwa Hashtags member na si Kid Yambao. 

"Ayokong makita yung sarili ko nang hindi ako yun. Gusto ko eto pa rin ako kahit anong mangyare, kaya  sila,parang silang mga tropa ko sa Biñan, ganyan ganyan ho yung ugali, yung asta, yung salitaan, kami lang nagkakaintindihan.

"Kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanila kasi sila (mga kaibigan sa Hashtags) ang mga tumutulong sa akin na hindi lumaki ang ulo," sabi ni Ronnie.