• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu on Xian Lim: ‘Hindi na natanggal yung ngiti ko simula nung nakilala ko siya’

Kim Chiu on Xian Lim: ‘Hindi na natanggal yung ngiti ko simula nung nakilala ko siya’

Kim Chiu, pinaliwanag kung bakit tumanggi siyang magpahalik kay Xian Lim noong birthday nito

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/18/2019 2:18 PM
Kim Chiu on Xian Lim: ‘Hindi na natanggal yung ngiti ko simula nung nakilala ko siya’


Photo credit: @xianlimm on Instagram (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, nag-deny si Kapamilya star Kim Chiu na may problema sila ng boyfriend na si Xian Lim dahil sa isang kumakalat na video kung saan ayaw niyang magpahalik sa aktor. 

Ani Kim, birthday ni Xian nung nangyari yun. “Birthday niya yan, 12 midnight. Tapos yung mga tao kiss, kiss. Ang daming camera tapos si Xian medyo nakainum na siya… e ano ako Chinese. Conservative. Dalagang Filipina,” natatawang paliwanag ni Kim. 

WATCH: Xian Lim marks 30th birthday with Kim Chiu and friends

Rebelasyon din ng aktres na magkakilala na sila ni Xian since 2012 kung kaya daw ang caption ng birthday greeting niya sa boyfriend ay “thank you for giving me the smile I’ve been wearing since 2012.” Hindi raw ibig sabihin nito na sila na ni Xian since 2012. 

“Hindi na natanggal yung ngiti ko simula nung nakilala ko siya,” nakakakilig pang sabi ni Kim.