Kim Chiu, bakit nahirapan umiyak sa isang eksena sa MMK?

Kim Chiu on playing UAAP volleyball star Sisi Rondina: ‘Yung fan girl heart ko buhay na buhay pa.’

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/18/2019 2:09 PM
Kim Chiu, bakit nahirapan umiyak sa isang eksena sa MMK?


Sa Tonight with Boy Abunda, nagkuwento si Kapamilya star Kim Chiu kung paano ang naging unang pagkikita nila ni University Athletic Association of the Philippines volleyball star Sisi Rondina. Gaganap si Kim bilang Sisi sa Maalaala Mo Kaya sa darating na Sabado, July 20. 

READ: UAAP 81 MVP Sisi Rondina wants fellow Cebuana Kim Chiu to portray her

Ani Kim parang magkaibigan na sila sa unang pagkikita pa lang nila ni Sisi na isa ring Bisaya at tubong Cebu. “Because sobrang galing and yung story niya is really inspiring tapos parehas pa kami Bisaya na taga-Cebu. So nung nagkita kami sobrang ahhh!” ani Kim. 

“Ganun di ba pag mga Bisaya nagkikita parang magkaibigan na agad,” ayon pa sa aktres. 

Mas may pressure rin diumano ang pag-portray niya kay Sisi dahil sinusundan na niya ang karera nito sa UAAP. “I’ve been following her journey sa UAAP kaya medyo may alam ako sa kanya. Medyo mas nakaka-pressure pala pag kilala mo yung tao na pino-portray mo,” kuwento ni Kim. 

May confrontation scene rin na nahirapan si Kim umiyak dahil nanunuod si Sisi. “Hindi ako naiyak. Nahirapan ako kasi yung fan girl heart ko buhay na buhay pa so nakailang take kami dun,” ayon sa aktres. 

Marunong si Kim maglaro ng volleyball pero pinaghandaan pa rin daw niya ang mga eksena kung saan naglalaro siya ng volleyball. “Inaral ko na din kahit konti para naman hindi ako mapahiya kapag nandun si Sisi,” sabi ni Kim. 

LOOK: Kim Chiu, gaganap bilang volleyball ball player na si Sisi Rondina sa ‘MMK’

Dream din ni Kim gampanan ang sikat na Disney character na si Mulan