• Home
  • Fresh Scoops
  • Kathryn Bernardo at Alden Richards, nag-shopping challenge sa Hong Kong

Kathryn Bernardo at Alden Richards, nag-shopping challenge sa Hong Kong

Nasubukan ang tiyaga at “tawad skills” ng Hello, Love, Goodbye stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards nang sumabak ang dalawa sa ‘Pasalubong Shopping Challenge’ sa Hong Kong.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/18/2019 5:16 PM
Kathryn Bernardo at Alden Richards, nag-shopping challenge sa Hong Kong


Nasubukan ang tiyaga at “tawad skills” ng Hello, Love, Goodbye stars na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards nang sumabak ang dalawa sa ‘Pasalubong Shopping Challenge’ sa Hong Kong.

Sa bidyo na inilabas ng Star Cinema nitong Huwebes bilang bahagi ng kanilang promotion para sa nasabing pelikula, magkasamang tumungo ang dalawa sa isang street market upang mamili ng pasalubong sa halagang HK$ 500 sa loob lamang ng 10 minuto.

Panoorin ang naging resulta ng kanilang challenge dito:

Sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina, nakatakdang ipalabas ang Hello, Love, Goodbye sa lahat ng sinehan itong darating na ika-31 ng Hulyo.