• Home
  • Fresh Scoops
  • Jay Manalo, nagpatikim sa karakter ni Lucio sa ‘Sino Ang May Sala’

Jay Manalo, nagpatikim sa karakter ni Lucio sa ‘Sino Ang May Sala’

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/18/2019 1:38 PM
Jay Manalo, nagpatikim sa karakter ni Lucio sa ‘Sino Ang May Sala’


Napapanood tuwing gabi sa teleseryeng Sino Ang May Sala ang aktor na si Jay Manalo bilang si Lucio Del Rio.

Sa naging interview kay Jay, nagbigay trivia siya sa sadyang iniibang atake niya sa mga eksena sa Kapamilya series.

“Kakaiba! Alam naman nila kung ano role ko doon pero iniiba ko para hindi mabasa ng tao,” kuwento ni Jay.

Patikim pa ng aktor, aabangan ang pasabog sa kanyang karakter sa serye

“Abangan po nila yung pagbabalik ni Lucio (Laughs)”

Bukod sa serye, kasama si Jay sa pelikulang Watch Me Kill na bahagi ng Pista ng Pelikulang Pilipino year 3. 

Ayon sa aktor, out of the box din ang kanyang papel sa pelikula.

“Happy! First time ko nakapasok dito kahapon ko lang nalaman nakapasok ang pelikula namin ni Jean Garcia,” pahayag pa ni Jay.

Showing na ang Watch Me Kill simula September 13.