• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sino ang dapat maging big winner ng PBB Otso para kay Mark McMahon?

EXCLUSIVE: Sino ang dapat maging big winner ng PBB Otso para kay Mark McMahon?

Mark McMahon, dumaan sa matindi depression.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/18/2019 11:06 AM
EXCLUSIVE: Sino ang dapat maging big winner ng PBB Otso para kay Mark McMahon?


Photo credit: @markmcmahon1 on Instagram

Aminado ang dating Pinoy Big Brother housemate na si Mark McMahon na dumaan din siya sa depression noon dahil ang akala niya ay wala nang mangyayari sa goal niya noon na ma-penetrate ang showbiz at maging artista.

Kuwento ng binata, “Wala kasi akong family dito, eh. Wala si mama, si papa, nando’n sila sa Scotland. So, being independent and alone it’s hard, it was hard.

“Akala ko I was going crazy na pero not naman mentally. Yung parang walang purpose. May purpose pero hindi ko manahap and I felt lost talaga.”

Minabuti raw muna niyang umuwi ng Scotland nung panahong depressed siya at down na down.
 
“What I did was just to go home na lang with my family because my mom, my dad, they know what’s the best for me and I needed their presence. Lahat ng stress nawala nung  nakasama ko sila. They give me advice, they guided me sa ano pang kaya kong gawin, mga ganun,” lahad pa niya.

Being a former PBB housemate ay nagbigay din ng opinion si Mark kung sino sa palagay niya ang tatanghaling ultimate big winner ng PBB Otso.  

“Para sa akn si Yamyan ang dapat manalo kasi he’s hard working, hard working talaga siya. He makes people laugh. He’s always positive.

“Physically, he’ll work his hardest and I’ve seen him cry sa mga challenges and I’ve seen him strong talaga as a person --  emotionally and physically. And siyempre, yung story niya, yung life story niya, so I think deserving talaga siya to win compared to others,” deklara ni Mark.

Ikinagulat din namin ang komento ng Scottish-Filipino model tungkol sa ibang housemates ng PBB.

Meron daw siyang mga nakitang housemate na bigla na lang yumabang nung nasa labas na ang mga ito ng bahay ni Kuya.

Ani Mark, “Oo, meron. Parang yumayabang sila. No names, babae at lalaki, both may ganun.

“Every shows like yung PBB ganun, mag-audition tapos guesting lang sa isang show, ang dami talaga yung yumayabang, eh, alam mo naman yon, alam nating lahat yon.”

Eh, anong ginagawa niya kapag nakaka-encounter ng ganung housemates?

“I just ignore it and just accept. Let them do what they want to do. Just don’t get involve with anything na lang, just do your stuff.

“We must learn kasi to accept everyone and accept that you don’t win all the time, you lose and you win and you have to respect everyone in a mutual way. You can’t… just because this guy is higher or lower you have to treat them different? Dapat pare-pareho lang.

“Ako kasi, I treat everyone as parang they’re my friend, that’s how I do it. I try to understand everyone before I judge,” pahayag pa ng model turned actor na kasama sa cast ng The Panti Sisters na kasali sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.