• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: PANOORIN: Aleck Bovick, muling kinanta ang hit song na ‘Nota’

EXCLUSIVE: PANOORIN: Aleck Bovick, muling kinanta ang hit song na ‘Nota’

Ayon kina Aleck Bovick at Sheree, may plano silang gawan ng mash up ang mga kantang ‘Bulaklak’ at ‘Nota.’

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/18/2019 11:57 AM
EXCLUSIVE: PANOORIN: Aleck Bovick, muling kinanta ang hit song na ‘Nota’


Game na game ang 2000s Pop singer na si Aleck Bovick sa pagkanta ng kaniyang hit song na “Nota,” sa episode ng PUSH Bets Live kahapon, July 17. Ayon sa dating sexy star, masaya siya dahil bumabalik sa uso ang mga nagawa niya noon. 

"Kasi noon talagang nag-boom siya e, mga year 2002 o 2003 hanggang sa nawala rin. Tapos [nag-boom] siya ulit, sabi ko 'Nakakaloka itong kanta.' Tapos ang dami kong nakikitang comments na bakit ngayon lang daw sumikat yon. 

"Ang galing ng timing no? Babalik at babalik din pala yung mga nagawa mo before, so parang umiikot lang. Ngayon hindi ko alam ang gagawin ko, gagawa ba ako ng sarili kong video na yun pa rin pero ibang style na," pahayag ni Aleck. 

Kasama ang kaniyang co-actress sa trending teleseryeng Kadenang Ginto at miyembro ng Viva Hot Babes na si Sheree Bautista, sinabi ng dalawa na pinagpa-planuhan nilang gawan ng mash up ang “Nota” at ang isa pang sumikat na kanta noon, ang “Bulaklak.” 

Panoorin ang buong interview dito:

Sa parehong interview, inamin ni Aleck na hanga siya sa nakikita niyang pagganap ng bagong cast member ng nabanggit na teleserye na si Seth Fedelin. 

"Actually yung batang to, marunong (umarte) e, mayroon mata (na kayang umarte, tsaka marunong makinig. Tsaka kapag hindi niya alam ang gagawin niya, nagtatanong siya ng kusa so alam mo yung bata gustong matuto, tsaka maayos siya sa set," ani Aleck. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Taping Taping... :) @imsethfedelin @shereevb420

A post shared by aleck (@aleckbovick) on

 

Gumaganap bilang Myrna si Aleck sa Kadenang Ginto, na mapapanood araw araw sa Kapamilya Gold.