• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Kumusta na si Xian Lim sa paglipat niya ng management?

EXCLUSIVE: Kumusta na si Xian Lim sa paglipat niya ng management?

Xian Lim, sinagot ang mga isyu na demanding daw siya.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/18/2019 11:15 AM
EXCLUSIVE: Kumusta na si Xian Lim sa paglipat niya ng management?


Kuwento ni Xian Lim sa PUSH, suportado ng girlfriend niyang si Kim Chiu ang pagpasok niya sa pagdidirek ng pelikula. Si Xian ang director ng full length film na Tabon na kasali sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival na ipapalabas sa Cultural Center of the Philippines mula August 2 to 11 at sa ilang sinehan sa bansa.

“Kami kasi we support each other sa lahat ng gawin namin, eh. Sa lahat ng projects namin we’re there for each other, eh,” wika ng actor turned director.

“We support it and we’re not here to tell each other na, ‘wag yan, wag yan.’ No, no, no…”dagdag niya.

Hot news ang pagpo-propose ni Neil Arce kay Angel Locsin kamakailan lang kaya tinanong na rin namin si Xian kung may plano na rin ba siyang dalhin sa next level ang relasyon nila ni Kim.

Ani Xian na natatawa, “Ay, wala pa po kami sa ganung stage. Wala pa po kami sa ganung stage.

“Hindi naman sa ayaw, pero I think hindi pa namin naiisip yung ganung bagay as of ngayon. Bata pa po ako. Hahaha! I’m only 23,” biro pa ni Xian about his age sabay tawa nang malakas.

Segue naman kami sa tanong kung nakaapekto ba sa career niya ang ginawang paglipat from Star Magic to Viva Artists Agency (VAA) at ito ang update niya sa amin.

“Hindi naman po. I mean, it’s just completely new people… Mga bago lang yung mga nakakasama ko, so wala namang… I still see them around,  yung mga taga-Star Magic, ABS-CBN, so wala naman po.”

Masaya rin daw siya sa pag-aalaga sa kanya ng Viva.

“I’m very happy with the new company I’m in, and I’m doing everything I’ve always wanted to do,” sabi pa ng aktor.

Kunsabagay, busy si Xian sa maraming projects. Bukod kasi sa pagiging director ng Tabon, natapos na rin niyang gawin bilang aktor ang pelikulang Untrue with Cristine Reyes.

Magsusyuting na rin ang aktor ng Love The Way You Lie with Alex Gonzaga at magiging part din siya ng Love Thy Woman TV series ng Dreamscape Entertainment sa ABS-CBN.

Matagal nang isyu ang dumano’y pagiging matanong at demanding ni Xian pagdating sa mga proyekto kaya binigyan namin siya ng chance na linawin ang tungkol dito.

Totoo ba na lagi siyang nagtatanong ng projects to the point na nagiging demanding siya?

Sagot ni Xan, “I think, being an artist, dapat naman talaga na matanong kami. I mean, for me, matanong po talaga ako na tao.

“Mademand? I don’t know kung ano pong klaseng demands yan. But I mean, I don’t see it in the negative light.

“Hindi naman po sa mademand ng project, I think in defense to being ma-demand, being actors, being artist, we always want a venue to express our artistry, so dapat lang talagang maghanap kami ng venue to be able to act – to be an actor you have to act.

“Makuwestiyon? Makuwestyon talaga ako. Tatanungin ko bakit gagawin ito ng character ko, anong motivation ng character ko. Yes, matanong po ako,” paliwanag ni Xian.

So, hindi naman pala totoong may attitude problem siya?

“Ang dami po kasing ibig sabihin ng attitude, pero wala, hindi naman po. I mean, kung in a negative way, hindi po ako nagpapasaway kung yon ang ibig sabihin ng attitude problem.

“Ayoko naman pong maging pasaway especially now na alam ko na ang pakiramdam being behind the camera, and yung mga hirap na pinagdadaanan ng mga tao sa production,” deklara pa niya.