• Home
  • Fresh Scoops
  • Cinemalaya, mapapanood na sa iba’t ibang parte ng bansa sa unang pagkakataon

Cinemalaya, mapapanood na sa iba’t ibang parte ng bansa sa unang pagkakataon

Sa unang pagkakataon, mapapanood na ang official entries sa ika-15 edisyon ng Cinemalaya Film Festival hindi lamang sa CCP kundi maging sa ibang parte ng bansa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/18/2019 2:40 PM
Cinemalaya, mapapanood na sa iba’t ibang parte ng bansa sa unang pagkakataon


Sa unang pagkakataon, mapapanood na ang official entries sa ika-15 edisyon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival hindi lamang sa Cultural Center of the Philippines kundi maging sa ibang parte ng bansa, kabilang na ang Cavite, Pampanga, Naga, Legazpi, Bacolog, Iloilo at Davao.

Sa isang press conference nitong Martes, sinabi ni festival director Chris Millado na isa na ang Vista Cinemas sa listahan ng mga sinehan na magpapalabas ng kanilang pelikula. Dagdag na rin ang ilang mas maliliit na movie house theaters ng Film Development Council of the Philippines sa Manila, Iloilo at Davao.

Bilang parte ng “Kinse sa Sandaan: Cinemalaya Wave at the Microcinemas”, magiging available din ang Cinemalaya sa microcinemas katulad ng Cinema Centenario, Cinema ’76, Black Maria Cinema and CBRC Dream Theater.

“Another reason to celebrate is the [group of] films featured in the main competition. People flock to the CCP because of them. However, Cinemalaya is not just about watching films in the darkened theaters. The experience is much more than that. It’s also about seeing artwork in the walls, interacting with filmmakers after the screenings and talking about cinema and filmmaking,” aniya.

Isa sa dapat abangan ng mga manonood ngayong taon ay ang “Visions of Asia,” kung saan ipapalabas ang ilang award-winning films mula sa Japan, Hong Kong, Vietnam, Thailand, Korea, at Tibet, China. Bukod dito, tampok din ang iba pang sections tulad ng Best of the Festivals, Premiere Section, at Retrospective section.

Ayon kay Milado, nakatakda rin ipalabas ang pelikulang ML, Rainbow’s Sunset, at Hintayan ng Langit bilang pagpupugay sa dating aktor na si Eddie Garcia.

Kabilang sa mga maglalaban sa full-length features ang mga sumusunod: Iska, ANi (The Harvest), Annak ti Karayan (Children of the River), Fucc Bois, Belle Douleur, John Denver Trending, Malamaya, Pandanggo Sa Hukay, Tabon, at Edward

Magbubukas ang 2019 Cinemalaya Film Festival mula August 2 hanggang 13.