• Home
  • Fresh Scoops
  • Alex Gonzaga, makikipag kabugan sa ka-seksihan kay Kylie Verzosa?

Alex Gonzaga, makikipag kabugan sa ka-seksihan kay Kylie Verzosa?

Kasado na ang pelikula at awitin ni Alex Gonzaga na mapapakinggan anytime soon

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/18/2019 4:05 PM
Alex Gonzaga, makikipag kabugan sa ka-seksihan kay Kylie Verzosa?


Photo credit: @cathygonzaga/ @kylieverzosa on Instagram

Extra special para kay Alex Gonzaga ang pagkilala na natanggap sa naganap na 2019  MOR Pinoy Music Awards.

 

Dito, tumanggap si Alex ng Phenomenal Artist of the Year para sa kanyang hit songna “Chambe.”

READ: Regine Velasquez, ‘Lifetime Achievement’ awardee sa 2019 MOR Pinoy Music Awards

Kuwento ni Alex, hindi niya inakala na magiging hit ang kanyang awitin na nag-umpisa lang sa kulitan nila ng kanyang pamangkin na si Seve.

“Super nagpasalamat ako sa lahat ng sumuporta, kasi nagsimula lang naman ito sa biro, tapos thankful ako sa Star Music dahil hinayaan nila kami gumawa ng full song,” sabi pa ni Alex.

“Without Seve, hindi naman mabubuo ang salitang chambe e, so hindi ko naman maiisip na sayawan siya kaya super thankful ako kay Seve,” aniya pa.

Bukod sa hit song, all set na din ang upcoming movie ni Alex kasama si Xian Lim at Kylie Verzosa na may working title ngayon na Love The Way You Lie.

Dito, handa na din daw makipag kabugan si Alex kay Kylie Verzosa pagdating sa ka-sexihan.

“Nagulat sila na natalbugan ko sila (laughs) nagpakita ako ng balun-balunan dito e, hindi very romcom na mayroong konting bed scene kasi namatay ako dito kaya may bed scene,” pabirong tugon niya.

Dahil patalbugan sa ka-seksihan ang usapan, naitanong din kay Alex ang kanyang reaksyon sa naging alok ng South Korean based cosmetic surgeon na ayusin ang kanyang dibdib.

READ: Alex Gonzaga reacts to plastic surgery offer from South Korea

“Breast Implant, kinausap ko sila (looking at her chest) ‘Ano?! Kailangan naba natin ng Back up?’ Kaya pa naman daw nila baka daw magpa-dagdag nalang ako ng nipple. CHAROT!,” pabirong sagot ni Alex.

Sa ngayon, naghahanda si Alex sa kanyang upcoming na pelikula at sa nalalapit na release ng kanyang dalawang bagong awitin.