Kit Thompson, masaya na walang permanenteng ka-love team

Supportive ang girlfriend ni Kit Thompson sa kanyang career.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/17/2019 11:13 AM
Kit Thompson, masaya na walang permanenteng ka-love team


Photo credit: @kitthompson on Instagram

Masaya ang Kapamilya actor na si Kit Thompson na nagkakaroon siya ng pagkakataon na maka-pareha ang iba't-ibang female celebrities sa industriya. Wala pa sa plano niya ngayon ang bumalik sa pagkakaroon ng ka-love team pag-amin ng actor sa naganap na multiple-picture contract signing sa ABS-CBN Films. 

"I'm happy with this. I'm happy being partnered with different people, because it gives me more chances of trying different roles than just being with one person for the next five years," pahayag ni Kit.

Matapos ang pag-aaral at pagsubok na bumuo ng career sa New York nang halos anim na taon, bumalik si Kit sa Pilipinas nitong nakaraang taon at nakasama cast ng blockbuster movie na The Hows of Us. Unang nakilala si Kit sa pagsali niya sa Pinoy Big Brother Teen Edition 4 noong 2012, kung saan ay naging kapareha niya si Myrtle Sarrosa. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

♠️ Check out the article on my bio 👌🏼 #abscbnlifestylehotshots

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson) on

 

Sa ngayon sunud-sunod naman ang mga proyektong pelikula ni Kit, at ilan sa mga ito ang mga sexy-themed movies na MOMOL Nights at Belle Douleur

"It’s not easy doing those scenes. Sometimes matatawa kayo in the middle of it. Mahirap siyang seryosohin pag minsan and minsan nakakakaba siya," kuwento ni Kit sa press nang tanungin tungkol sa kaniyang mga intimate scenes sa mga nabanggit na pelikula. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Swipe left ⬅️ for the full cast. Belle Douleur Launching on Cinemalaya August 3 2019. Directed by @attyjoji

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson) on

 

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga naturang pagganap, sinabi ni Kit na masaya at supportive ang kaniyang girlfriend sa career nito. "Okay naman siya. I mean, supportive naman siyang girlfriend so I'm happy with that," sabi ni Kit. 

READ: Kit Thompson, nakipag kagatan-labi kay Mylene Dizon sa Cinemalaya movie

READ: Kit Thompson, naging maingat daw sa mga intimate scenes kasama si Kim Molina

Mapapanood sa iWant ang MOMOL Nights habang ang Belle Douleur naman ay mapapanood sa Cinemalaya Film Festival 2019 simula August 2.