• Home
  • Fresh Scoops
  • Herbert Bautista, nagbigay komento sa pagbabalik pelikula ni Kris Aquino

Herbert Bautista, nagbigay komento sa pagbabalik pelikula ni Kris Aquino

Isang pelikula na din ang nakatakdang gawin ni Herbert Bautista anytime soon.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/17/2019 11:27 AM
Herbert Bautista, nagbigay komento sa pagbabalik pelikula ni Kris Aquino


Photo credit: @krisaquino on Instagram

Isa ang dating mayor at aktor na si Herbert Bautista sa mga nagpa-abot ng kaniyang kasiyahan para sa napipintong pagbabalik pelikula ni Kris Aquino sa Metro Manila Film Festival ngayong darating na kapaskuhan.

READ: Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF

Ito ang pagbabalik ni Kris sa taunang film festival kung saan makakasama niya si Derek Ramsay.

Sa panayam ng PUSH at ilang entertainment press kay Herbert sa naganap na Editor’s Choice Award o The Eddysm ipinaabot niya ang kanyang kasiyahan para kay Kris.

“In fact, dapat nasa mainstream siya and I think meron siyang Metro Manila Film Fest (MMFF) that’s good for her,” sabi pa ni Herbert.

Dito, naitanong din kung handa ba siya kung sakali na matuloy na ang kanilang pagsasama sa isang pelikula.

“Aba bakit hindi? Kailangan ko nga ng trabaho e (laughs),” masayang tugon ni Herbert.

Inamin din ni Herbert na kasado na din daw ang isang pelikula na kanyang kabibilangan.

“Meron nang paparating, pero ayaw ko muna mag-salita kasi baka sumabit,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, bahagi si Herbert ng scriptwriting workshop ng batikang screenwriter na si Ricky Lee