• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Sue Ramirez sa kaniyang bagong pelikulang ‘Cuddle Weather’: ‘It opens up your mind’

EXCLUSIVE: Sue Ramirez sa kaniyang bagong pelikulang ‘Cuddle Weather’: ‘It opens up your mind’

Ibinahagi ng ‘Cuddle Weather’ actress Sue Ramirez ang kaniyang depinisyon ng salitang 'sexy.'

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/17/2019 11:10 AM
EXCLUSIVE: Sue Ramirez sa kaniyang bagong pelikulang ‘Cuddle Weather’: ‘It opens up your mind’


Photo credit: @sueannadoodles on Instagram

Sa kabila ng pagkakaroon ng sensitibong tema at kakaibang pagganap, sinabi ni Sue Ramirez na hindi siya nagdalawang isip na kunin ang role na Adela, isang sex-worker sa pelikulang Cuddle Weather. Ayon sa Rock Chic, isang matapang na desisyon para sa kaniya ang gumanap sa pelikula tulad nito. 

"It was a fearless decision that I made - actually to pursue something or do something that I am scared to do," pahayag ni Sue sa interview sa PUSH Bets Live.

Dagdag ni Sue, nakapanayam niya—kasama ang production team—ang ilang mga aktwal na sex workers para sa paghahanda ng kanilang role ni RK Bagatsing. 

"We interviewed a few sex workers, and we got to know them a bit closer—kung paano ba talaga yung trabaho nila. Kung how they live as a person, sa family ano treatment, iba-iba. Ang maganda, kasi it opens up your mind na they're not just that (sex workers). There's a whole different story that you guys don't know and you guys judge too quickly with these people. Yun din yung goal ng pelikula - is to open people's minds," paliwanag ni Sue. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

#loveislove 🌈💕

A post shared by Sue Dodd (@sueannadoodles) on

 

Sa parehong interview din ay ibinahagi ni Sue ang kaniyang depinisyon ng salitang 'sexy,' at ang pinanggagalingan ng kaniyang 'confidence.'

"Being confident and sexy is not physical at all. If you feel sexy and you think you are sexy, then you're sexy. Sexy is a state of mind, and if you feel that you are, then you are. And it doesn't matter what other people say about," seryosong paliwanag ni Sue. 

Malaki ring bahagi ng kaniyang confidence ang magandang suportang nakukuha niya sa mga magulang at mga kaibigan. Kaya payo niya sa mga taong nangangailangan nito, "I think, get rid of negative people. If you can't get rid of them, try to make them positive 

"Don't be too hard on yourself, always remember na there are things that you can do that I cannot do. There are things that I can do that they cannot do, and that's okay. Hindi mo kailangan na kaya mong gawin lahat. Hindi mo kailangan na gano'n din ang itsura mo, because you're different and you're beautiful in your own way," pagpapatuloy niya. 

PANOORIN: Sue Ramirez, isa-isang ipinaliwanag ang kahulugan ng kaniyang mga tattoo

Mapapanood ang kaniyang pelikulang Cuddle Weather sa Pista Ng Pelikulang Pilipino 2019 simula September 13. 

Panoorin ang buong interview dito:

Bukod sa pelikula, magkakaroon din si Sue ng kaniyang kauna-unahang solo concert sa Music Museum, ngayong July 19. Pinamagatang Sue Ramirez is Rock Chic, makakasama niya rito bilang guests ang mga kaibigan niyang sina Michael Pangilinan, Maris Racal, at Kristel Fulgar.