• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, matron of honor sa kasal ni Angel Locsin at Neil Arce

Dimples Romana, matron of honor sa kasal ni Angel Locsin at Neil Arce

Dimples Romana, overwhelmed diumano sa mga blessings na natatanggap.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/17/2019 12:05 PM
Dimples Romana, matron of honor sa kasal ni Angel Locsin at Neil Arce


Photo credit: @therealangellocsin IG (R)

Sa Tonight with Boy Abunda, inamin ni Kadenang Ginto star at Meme Queen Dimples Romana na buhos ngayon ang blessings na natatanggap niya. 

WATCH: Daniela at Romina Mondragon, nang prank ng mga tao sa kalsada

Bukod kasi sa hit seryeng Kadenang Ginto ay may movie siya kasama si Vice Ganda at Anne Curtis. Isa rin si Dimples sa cast ng film na Block Z.

Out na rin ang libro ni Dimples na Dimps Tips na compilation ng mommy lessons at tips na natutunan ni Dimples sa pagiging Mommy of two. Bukod dito ay may TFC.tv show siya kasama ng kanyang anak na si Alonzo. 

Dahil daw sa sobrang blessings ay natatanong ni Dimples kay Lord kung mamamatay na siya. “I’m very blessed… (kaya) nung last usap namin ni Lord sabi ko, Lord papatayin mo na ba ako bukas? Kasi parang binigay mo na lahat ng puwede kong hilingin,” kuwento ni Dimples. 

Hindi rin maiwasan ni Dimples mag-tear up nang sabihin sa kanya ni King of Talk Boy Abunda na deserve niya ang blessings dahil, “you’re also a beautiful human being.” 

Para naman ma-shake off ang character ni Daniela Mondragon at makatulong kay Dimples na mag-destress ay nag-take up si Dimples ng dancing lessons. 

Inamin din ni Dimples na magiging matron of honor siya sa kasal ng isa sa close friends sa industriya na si Kapamilya star Angel Locsin at fianc√© nito na si Neil Arce. Makakasama daw niya bilang matron of honor ang best friend ni Angel. 

READ: Neil Arce reveals Dimples Romana helped in getting Angel Locsin’s ring size