• Home
  • Fresh Scoops
  • Dating teen actress, huli sa drug buy-bust operation sa Cavite

Dating teen actress, huli sa drug buy-bust operation sa Cavite

Isa ang dating teen actress na si Angela Zamora sa mga naaresto sa buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/17/2019 12:23 PM
Dating teen actress, huli sa drug buy-bust operation sa Cavite


Photo credit: @Dennis_Datu on Twitter

Isa ang dating teen actress na si Angela Zamora sa mga naaresto sa buy-bust operation na ikinasa sa Bacoor City, Cavite nitong Lunes.

Huli si Angela, o Angela Garcia Bobis, sa pagbebenta ng ilegal na droga kasama ang kanyang live-in partner na si Vladimir Bersana at tatlo pang kasabwat umano na sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez.

Ayon sa report ng pulisya, unang naaresto si Vladimir na siyang nagturo sa kanilang inuupahang bahay ni Angela kung saan natagpuan ang ilang gramo ng shabu na nagkakahalagang P68,000. 

Mahaharap ang mga suspek, na kasalukuyang nakapiit sa Bacoor City Detention Center, sa kasong Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Matatandaang parte si Angela sa Batch 5 ng Star Circle kasama ang mga kilalang Kapamilya actors na sina John Lloyd Cruz, Shaina Magdayao, Baron Geisler, Bernard Palanca, Thou Reyes, at Marc Solis.