• Home
  • Fresh Scoops
  • Sue Ramirez wants to prove that she‘s a versatile actress in ‘Cuddle Weather’

Sue Ramirez wants to prove that she‘s a versatile actress in ‘Cuddle Weather’

Sue Ramirez says Joao Constancia supports her in her latest daring role.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/16/2019 11:06 AM
Sue Ramirez wants to prove that she‘s a versatile actress in ‘Cuddle Weather’


Hindi nahirapan si Sue Ramirez na magpaalam kay Joao Constancia, member ng Boyband PH para tanggapin ang pelikulang Cuddle Weather na entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Sa Cuddle Weather na ididirek ni Rod Marmol ay gaganap si Sue bilang isang beteranang sex worker. Kasama niya sa pelikula na prinodyus ng Regal Entertanment at Proj 8 Corner San Joaquin si RK Bagatsing.

“Nakita niya na gustung-gusto kong gawin yung film kaya sinuportahan niya ako. And siyempre, kahit medyo may kirot, depende rin sa kanya kung gusto niyang panoorin, pero whatever his decision is, I respect naman, and that’s how he is with me.

“Masaya lang ako kasi he let me do this project. Kahit naman sabihin niyang, no, gagawin ko pa din ito kasi it’s always my decision pa rin (ang masusunod). But hindi niya na ako pinahirapan kasi I didn’t have to convince him. He really saw that I really wanted it, so he let me,” dire-diretsong pahayag ni Sue.

Gustong patunayan ni Sue na isa siyang versatile actress na walang pakialam sa sasabihin ng iba kaya niya tinanggap ang project.

Ani Sue, “I want to be a versatile na whatever you give, I can do. Pini-peg namin ito sa Pretty Woman ni Julia Roberts.

“She was a prostitute in Pretty Woman but no one ever saw her like malandi, sexy star. So, that’s what we want to do, for me, sa career ko.”

Dagdag pang paliwanag ni Sue, “Binubuksan namin yung utak ng mga tao to embrace na not because she did this, this is what she’s going to do all the time. At least, nakikita ng mga tao kung ano yung kaya kong i-offer.

“We’re not going on a straight path as much as we can. We want to venture into a lot of different types of roles and characters a magagawa ko pa in the future.

“Yung imaging na sinasabi, hindi na, eh. Gawin mo lahat ng kaya mong gawin kasi whole different acting experience siya, eh. Hindi lang siya, ‘Ay, baka isipin ng mga tao na ganito ako,’ hindi siya ganu’n for me. So I don’t really care what people think of me.”

Mai-in love ba ang kanilang karakter ni RK sa Cuddle Weather?

“It’s a mentor-mentee type of relationship which will maybe, eventually lead into something. Ako dito yung experienced, ako yung nagtuturo sa kanya kung paano siya makikihalubilo sa mga kliyente niya,” lahad pa ni Sue sa interview ng PUSH.