• Home
  • Fresh Scoops
  • Regine Velasquez at Sharon Cuneta, naghahanda na para sa kanilang concert

Regine Velasquez at Sharon Cuneta, naghahanda na para sa kanilang concert

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Megastar Sharon Cuneta na nagsimula na ang kanilang production meeting para sa naturang proyekto.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/16/2019 2:26 PM
Regine Velasquez at Sharon Cuneta, naghahanda na para sa kanilang concert


Photo credit: @reallysharoncuneta on Instagram

Kasalukuyang naghahanda na si Regine Velasquez at Sharon Cuneta para sa kanilang pinakaabangang concert itong darating na Oktubre.

Sa Instagram nitong Lunes, ibinahagi ni Megastar na nagsimula na ang kanilang production meeting para sa naturang proyekto.

 

 

"Production meeting for Regine’s and my concerts! Yippee! I’ve had just projects and I’ve had passion projects. But this is a project from and for my heart! It’s a love project because I love Regine!," aniya.

Samantala, hindi pa rin makapaniwala ang Asia's Songbird na makakasama niya sa concert ang kanyang "music icon" sa unang pagkakataon.

"Parang nanaginip ako. But this is actually happening! A concert with my ultimate idol. My Icon my Mega. Soon," ani Regine sa kanyang caption.

Ilang linggo lamang ang nakakaraan nang magpahiwatig ang dalawa tungkol sa kanilang concert sa pamamagitan ng social media.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Soon!! #seeyouinoctober

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid) on

 

Matatandaang una nang dinekrala ni Sharon ang kanilang collaboration noong nag-guest siya sa concept concert ni Regine na "Regine at the Movies" nang nakaraang taon, kung saan ibinahagi niya na may pagsasamahan silang proyekto sa 2019.