• Home
  • Fresh Scoops
  • Mylene Dizon explains why she has become more picky with roles

Mylene Dizon explains why she has become more picky with roles

Mylene Dizon lists down what she looks for in roles these days.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/16/2019 11:30 AM
Mylene Dizon explains why she has become more picky with roles


Aminado ang magaling na aktres na si Mylene Dizon na mas nagiging choosy siya ngayon sa pagtanggap ng role sa mga pelikula.

“Choosy, oo, lalo pa ngayon kasi nakakapagod din, eh. Nakakapagod ding lumuwas galing probinsya papunta sa Quezon City para mag-taping. Taga-probinsiya na ako, taga-Cavite.

“So, kailangang maging choosy and I really like spending time at home. Nagkataon lang na itong pagiging choosy kong ‘to, eh, choosy rin naman yung mga dumating sa aking project na hindi ko mahindian.

Bida si Mylene sa 2019 Cinemalaya film na Belle Douleur (Beautiful Pain) na directorial debut ni Joji Alonso. Leading man niya sa pelikula si Kit Thomson na mai-involve sa kanya romantically.

Anu-ano ba ang ikinokonsider niya sa pagtanggap ng role sa pelikula?

“Saan ipapalabas, para saan. Siyempre, kasali rin kung sino ang co-actors.

“Natatakot kasi ako minsan don sa kung saan ipapalabas kasi mayro’n na kasing mga project na wala naman silang pagpapalabasan, so kalagitnaan ng proyekto nauubusan din sila ng pera.

“So ikaw yung (apektado). Eh, papasukin mo yung character, eh. Importante sa akin yon.

“Of course, who’s directing, and siyempre yung kuwento, first and foremost sa akin yung kuwento. Kung walang kuwenta yung kuwento huwag na lang,” pag-iisa-isa ni Mylene sa mga pamantayan niya sa pagtanggap ng role.

Pagdating sa teleserye, hindi rin basta-basta tumatanggap si Mylene. Huli siyang napanood sa The Good Son ng ABS-CBN bago gumawa ng panibagong project sa isang TV network.

“Namimili ako. It has to be worth my time, because I’m 44 years old and my children are… I have a teenager na. I devoted 23 years of my life to this work. I think I’ve earned the license to somehow choose naman… I think, at least naman, di ba?” lahad niya.

Ikinokonsider na rin ba niya ang pagre-retire sa pag-arte?

“I did, yeah!” pag-amin niya. “Kasi naman 23 years, that’s another journey naman kung nanay ako sa bahay. Hindi naman ako tutunganga at manonood ng Netflix buong magdamag.

“Gumagalaw naman ako sa bahay. Magawa ako, eh. Meron na akong 14 (years old) at isang 10 (na mga anak), kailangan naman nila ako,” deklara ng aktres.