Eugene Domingo, napahanga kay Tony Labrusca

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

7/16/2019 11:48 AM
Eugene Domingo, napahanga kay Tony Labrusca


Photo credit: @tony.labruscaon Instagram (L)

Series na ngayon ang Ang Babae Sa Septic Tank 3 na unang pinilahan sa mga sinehan taon 2011 at 2016 na pinagbibidahan ni Eugene Domingo.

Ngayon, mapapanood naman ito sa usong streaming series na inaabangan na ng Netizens.

“Siyempre uso ngayon yang mga series na ganyan. Ngayon kailangan updated tayo, kailangan sumasabay, kailangan rin natin ma-reach ang mas maraming tao,” sabi pa ni Eugene.

Si Tony Labrusca ang Leading man ngayon ni Eugene at kuwento ng veteran comedian, hindi niya makakalimutan ang pakikipag-trabaho niya kay Tony.

“Si Tony Labrusca ang sarap niya panoorin pero tawang tawa agad eh, ang hilig niya tumawa pero nung sinabi ni direk na kailangan intense na tayo dito, na deliver naman nya ang dramatic demands,” papuri ni Uge kay Tony.

Pagdating naman sa personal na buhay ni Eugene, inspired pa din ito sa kanyang non-showbiz foreigner boyfriend. Pero, ang tanong ng movie press kung kailan magaganap ang kasalan.

“Lahat naman tayo nangangarap ng kapayapaan pagdating sa aspeto ng settling down but as of this moment I’m very happy and I’m very thankful na ayun na nga (nagpa cute),” pahayag ng Komedyana.

Mapapanood ang Ang Babae Sa Septic Tank 3 sa iWant simula ngayong July 17.