Bong Revilla, magbabalik MMFF?

Minsan din na naging suki sa Metro Manila Film Festival noon si Bong Revilla.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/16/2019 11:40 AM
Bong Revilla, magbabalik MMFF?


Photo credit: ABS-CBN News

Present sa naganap na na Entertainment Choice Awards (The EDDYs) ang Actor politician na si Bong Revilla kasama ang misis nito na si Lani Mercado.

READ: Kathryn Bernardo, Best Actress sa The Eddy’s

Dito, nakapanayam ng PUSH at ilang entertainment press si Bong na ngayon lang muli dumalo sa entertainment gathering matapos ang kanyang pagkakabilanggo sa Camp Crame.

“It’s my first time here,” tugon ng actor-politician.

“First time ko din sa The Eddy’s kaya kami ay natutuwa na na-anyayahan kami,” sambit ng kabiyak ni Bong na si Lani Mercado.

Kuwento ni Bong, walang pagdadalawang isip ang kanyang pagdalo sa awards night para sa showbiz industry na kanyang minamahal.

“Kahit anong busy natin, noong sinabi na I’m be going to be part of it para mag award kay Ethel Ramos (Veteran Entertainment Columnist) kaya kahit na tulog ako, babangon ako for her,” sabi pa ni Bong.

Kung tatanungin naman ang aktor at senador sa kanyang pagbabalik sa Metro Manila Film Festival na una na na niyang ipinangako noon, aniya, “Not this year, maybe next year dahil siyempre focus muna tayo sa trabaho but eventually, gagawa din tayo ng pelikula.”

Taong 2012 nang huli napanood si Bong sa Metro Manila Film Festival sa pelikulang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

At 2013 naman nang umatras si Bong sa Film Festival sa movie entry sana niya na My Super Kap.