• Home
  • Fresh Scoops
  • 1970 Miss International Aurora Pijuan, pina-auction ang kanyang Mikimoto crown

1970 Miss International Aurora Pijuan, pina-auction ang kanyang Mikimoto crown

Isa ang Mikimoto tiara ni 1970 Miss International Aurora Pijuan sa ilang prized items na nakatakdang i-auction ng isang sikat na gallery.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/16/2019 1:40 PM
1970 Miss International Aurora Pijuan, pina-auction ang kanyang Mikimoto crown


Photo credit: Aurora Pijuan's Facebook/ www.leonexchange.com

Isa ang Mikimoto tiara ni 1970 Miss International Aurora Pijuan sa ilang prized items na nakatakdang i-auction ng isang sikat na gallery.

Simula Hulyo 20, mabibili na ang nasabing korona bilang parte ng online auction na inorganisa ng Leon Gallery upang matulungan ang 22 mangingisdang sangkot sa Recto Bank incident noong nakaraan taon. 

Sa kanyang interview para sa ABS-CBN News, ibinahagi ng dating beauty queen na naka-tago lamang sa attic ng kanyang bahay ang napanalunang Mikimoto tiara sa loob ng maraming taon. 

Photo credit: sa.kapamilya.com

"It's not even on display," aniya.

Ayon kay Aurora, nais niyang bigyan ng bagong halaga ang tiara kaya't naisipan niyang ipa-auction na lang ito. 

Photo credit: www.leonexchange.com

"I'm going to give the proceeds to [the fishermen] in the hopes that this gift to me, really, a gift to our nation when I won the title in 1970, will have real value and significance today," dagdag niya.

Matatagpuan ang Mikimoto crown sa website ng Leon Gallery kung saan ito mabibili sa starting bid na P60,000. Ngunit, hiling ni Aurora na umabot ang bid sa halagang P500,000 upang pantayan ang donasyon ng dating Affairs Secretary na si Albert del Rosario sa nasabing mga mangingisda. 

Aniya, "Albert del Rosario gave them P500,000 and it didn’t hurt his pocket. I hope to get a similar amount, and it won't hurt my pocket either because it was never in my pocket."

Maaaring matunghayan ang tiara at iba pang items na kasali sa online auction sa headquarters ng Leon Galleries na matatagpuan sa W14 La Fuerza Plaza at Eurovilla 1 sa Makati City.