• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Sue Ramirez, isa-isang ipinaliwanag ang kahulugan ng kaniyang mga tattoo

PANOORIN: Sue Ramirez, isa-isang ipinaliwanag ang kahulugan ng kaniyang mga tattoo

Sabi ng aktres na si Sue Ramirez dadagdagan pa niya ang kaniyang mga tattoo ng pirma ng kanyang ama, cross sign sa ring finger, at katagang 'I Don't Care'.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

7/15/2019 9:12 AM
PANOORIN: Sue Ramirez, isa-isang ipinaliwanag ang kahulugan ng kaniyang mga tattoo


Excited na ang Rock Chic na si Sue Ramirez sa nalalapit niyang solo birthday concert sa Music Museum. Ayon kay Sue, isa sa mga dapat abangan dito ay ang iba-ibang klase ng kanta na ipe-perform niya. 

"That's what's gonna be fun about this concert kasi it's mixed genre, mixed era type of concert. So iba't ibang klase ng music for different types of people na manonood ng concert. May rock diyan, may pop, Kpop, may RNB, may country, lahat," paliwanag ni Sue sa interview sa PUSH Bets Live.

Magaganap ang kaniyang concert sa July 19, kung saan ay magiging guests niya ang ilan sa mga matatalik na kaibigan tulad nina Maris Racal, Krystel Fulgar, at Michael Pangilinan. 

READ: Sue Ramirez, todo na ang paghahanda para sa kauna-unahang major solo concert

Samantala sa parehong interview din ay nagkaroon ng pagkakataon na ipaliwanag ni Sue ang kahulugan ng mga tattoo na meron siya ngayon. 

"Etong nasa wrist ko, this used to be a heart. Parang lang siyang drawing ng ballpen na red na tinta na heart. Pero dahil nga ayoko nang may kapareho, pinapalitan ko siya ng rose na may secret meaning siya for me," biro ni Sue.

"Eto naman yung sunflower, it's my favorite flower. Dati dapat stick man talaga 'to. Kaso yung ginamit na karayom nung nag-tattoo, masyadong makapal. So ang tagal na walang sunflower 'to, Tapos saka na lang ako pwedeng maglagay ng bulaklak," pagpapatuloy ng aktres.

Ipinakita rin ni Sue ang isang tattoo na kulay dilaw na thunder icon, na mas makikita lang kung iilawan.

"Eto yung evil eye, sa mga Arabs naman ko nakuha 'to. Marami siyang meaning for me, lagi akong inaasar na malaki ang mata ko, so nagpadagdag pa ako ng isa. Pangalawa, it's always been a frustration of mine that I didn't get my dad's eye, my dad has blue eyes kasi. 

"Sa Arabs naman, this means yung evil eye - hindi siya evil ah, it protect you from people and things that would want to harm you. So pinalagay ko siya sa siko, so kapag nakatalikod ako," paliwanag niya. 

Binuksan ni Sue ang suot na polo para ipakita at ipaliwanag naman ang rainbow tattoo na malapit sa dibdib. "I love rainbows, I love random things. But if you guys want to see it as a support for the LGBT, it can be that too. I have a lot of people from the community that I love very much. And I just don't wave my flag, I wear it," sabi ni Sue. 

Nang tinanong kung mayroon pa siyang gustong ipa-tattoo, sinabi ni Sue na plano niya ring magpalagay ng pirma ng kanyang ama, cross sign sa may ring finger at ang katagang 'I Don't Care' na iniisip pa niya kung saan parte niya papalagay. 

"Gusto ko din magpalagay ng 'X' sa ring finger ko, caause that's a treasure. Pangarap kong magpakasal someday, so kapag nalagyan na yun ng singsing, yun ang treasure ko," paliwanag ni Sue. 

READ: Sue Ramirez walang hesitations sa pagtanggap ng daring role sa pelikula

Panoorin ang buong interview dito: 

Bukod sa concert, may bagong pelikula din si Sue, ang Cuddle Weather, kung saan ay gaganap siya bilang isang sex worker. Mapapanood ito bilang isa sa mga entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magaganap sa September 13-19.