• Home
  • Fresh Scoops
  • Kit Thompson, kasama sa inaabangang pelikula nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro

Kit Thompson, kasama sa inaabangang pelikula nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro

Nagsimula na ang aktor na si Kit Thompson sa trabaho sa bagong pelikula na pagbibidahan nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2019 9:03 AM
Kit Thompson, kasama sa inaabangang pelikula nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro


Inanunsyo ng Kapamilya actor na si Kit Thompson na makakasama siya sa inaabangang pelikula nina Pia Wurtzbach at Vhong Navarro, sa naganap na contract signing niya sa ABS-CBN Films, nitong Huwebes, July 11. Ito na ang ikatlong pelikula ni Kit Thompson para sa ngayong taon, bukod sa MOMOL Nights ng iWant at Belle Douleur para sa Cinemalaya 2019. 

"May isa akong project with Pia and Vhong Navarro. It's gonna be comedy, kind of like dark comedy from Black Sheep," sabi ni Kit. 

Habang on-going ang pagshu-shooting nila Kit, hinihintay pa rin sa ngayon ang huling title at magiging play date ng Pia-Vhong starrer film. 

READ: Kit Thompson denies he was in a relationship with Pia Wurtzbach

Samantala, excited na rin si Kit sa mga nakahaing mga proyekto ng ABS-CBN Films para sa kaniya. Bilang may pagiging kakaiba at 'daring' na tema ang kaniyang huling dalawang pelikula, masaya ang aktor sa mga challenging at hindi ordinaryong pagganap sa mga proyekto niya.

"I always want to do something that's not ordinary, not so animated, I wanted to be more realistic. Something that people can connect with and understand, and not something that's just you see that obviously fake," paliwanag niya. 

Mapapanood sa iWant ang MOMOL Nights, habang ang Belle Douleur ay isa sa mga entries ng 2019 Cinemalaya Film Festival na ipapalabas simula August 2 hanggang 11.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Swipe left. After the Cinemalaya press conference. Styled by @ton_lao Got my new scent from @perfumeshop.kc !

A post shared by Kit Thompson (@kitthompson) on

 

READ: Pia Wurtzbach on movie with Vhong Navarro: ‘Nobody has seen me in that light’

Kasabay ng pagpirma ni Kit ng multiple picture contract sa ABS-CBN Films, sina Alyssa Mulach, Angelina Cruz, Jameson Blake, at bagong artista na si Bryce Ramos.