• Home
  • Fresh Scoops
  • Kim Chiu, gaganap bilang volleyball ball player na si Sisi Rondina sa ‘MMK’

Kim Chiu, gaganap bilang volleyball ball player na si Sisi Rondina sa ‘MMK’

Bibidang muli ang aktres na si Kim Chiu sa isang espesyal na episode ng longest-running television drama anthology in Asia na Maalaala Mo Kaya.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2019 2:03 PM
Kim Chiu, gaganap bilang volleyball ball player na si Sisi Rondina sa ‘MMK’


Photo credit: @cherryann.rondina on Instagram

Bibidang muli si Kim Chiu sa isang espesyal na episode ng longest-running television drama anthology in Asia na Maalaala Mo Kaya.

Gagampanan ng aktres ang buhay ng University of Sto. Tomas volleyball star na si Sisi Rondina. Base sa trailer na inilabas ng MMK nitong Sabado, matutunghayan sa nasabing episode ang naging journey ng dating Golden Tigresses captain hindi lamang bilang isang mahusay na atleta kundi bilang mabuting anak.

 

Sa hiwalay na bidyo, inimbitahan ng dalawa ang mga manononood na suportahan ang kanilang episode, kung saan tampok din sina Dennis Padilla at Yayo Aguila.

 

“Sa lahat ng mga sumubaybay talaga kay Sisi, ito ‘yung kwento na hindi niyo pa nakita sa kanya,” ani Kim.

Matatandaang personal na hiling ni Sisi na gampanan ni Kim ang kanyang life story kung sakaling siya ay magkakaroon ng episode sa nasabing palabas. Nang tanungin sa kanyang interview sa late night talk show na Tonight With Boy Abunda kung ano ang kanyang rason, sagot ng volleyball player, “Kasi Cebuana rin po siya. Bisaya.”

 

Sa direksyon ni Raymund Ocampo, matutunghayan ang natatanging pagganap ni Kim sa MMK ngayong Sabado, Hulyo 20, pagkatapos ng Idol Philippines.