• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Aljon Mendoza inaming si Karina Bautista ang PBB big winner niya

EXCLUSIVE: Aljon Mendoza inaming si Karina Bautista ang PBB big winner niya

Todo ang pasasalamat ng dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Aljon Mendoza sa kaniyang mga fans na nag-organisa ng engrandeng birthday celebration kahapon, July 14.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2019 9:17 AM
EXCLUSIVE: Aljon Mendoza inaming si Karina Bautista ang PBB big winner niya


Hindi matigil sa pagpapasalamat ng Pinoy Big Brother OTSO ex-housemate na si Aljon Mendoza sa kaniyang mga taga-suporta na nag-organisa ng engrandeng birthday celebration, kahapon, July 14. Sa interview ng PUSH kay Aljon, sinabi niyang hindi niya ine-expect ang naging effort ng Team Aljon Global para sa kaniya.

"Ramdam ko na minamahal nila ako. Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam kaysa sa alam mong mahal ka nila. 

"First time ko po ito. Kasi kapag birthday ko po, simpleng magluluto lang yung mommy ko ng spaghetti o ng pansit, tapos salu-salo na po. Eto po yung pinaka-engrandeng birthday ko po," pahayag ni Aljon na ngayon ay 18 years old na. 

Dinaluhan ng kaniyang mga fans, pamilya, at mga kaibigan ang naturang birthday party. Kasama rin sa mga dumalo ang ilan sa mga ka-batch ni Aljon mula sa PBB OTSO Batch 1 na sina Rhys Eugenio, Art Guma, Criza Taa, at Ali Abinal. 

At bilang kasalukuyang nasa loob ng bahay, nag-iwan naman ng video messages sina ang PBB Batch 1 Big Four na sina Lie Reposposa, Jelay Pilones, Kaori Oinuma, at ang nali-link sa kanyang si Karina Bautista, na ikina-kilig ng mga fans ng tambalang KarJon. 

 

 

READ: Nanliligaw na nga ba si Aljon Mendoza kay Karina Bautista?

Sa hiwalay na interview ng PUSH kay Aljon, sinabi niya ang payong ipinabaon niya kay Karina bago ito pumasok muli sa Bahay ni Kuya. 

"Before po siya pumasok marami na po akong sinabi sa kaniya. Siguro yung pagsupport ko po sa kaniya -- hindi naman po sa pagiging kampante, ayoko lang pong ma-pressure siya na kailangan niyang manalo," pahayag niya. 

"Ang sinabi ko po [sa kaniya], 'Whatever happens, proud kaming lahat sa 'yo'. Malayo na ang narating niya, para sa akin, siya talaga ang ultimate big winner ko. Yun ang sinabi ko sa kaniya, kaya hindi naman niya kailangang ma-pressure na dapat siya ang manalo, baka kasi ma-feel niya na maraming nag-eexpect ng malaki sa kaniya. Ang message ko sa kaniya, mag-enjoy [siya] kasi lilipas din naman ang panahon na 'yan, pero ang mahalaga yung memories," dagdag ni Aljon.

Hindi man pisikal na nakarating sa birthday celebration, ayon kay Aljon sinabihan siya ni Karina na 'babawi' ito pagkatapos ng kumpetisyon sa loob ng Bahay ni Kuya. 

READ EXCLUSIVE: Melai Cantiveros on KarJon becoming an onscreen couple: 'It will work out'

Aabangan si Aljon bilang isa sa mga cast ng bagong ABS-CBN teleserye na Sandugo. Bukod sa mga bidang sina Ejay Falcon at Aljur Abrenica, makakasama niya rin dito sina Elisse Joson, Arlene Mulach, Cogie Domingo,  kapwa PBB ex-housemates na sina Ali, at Atasha Parani.