• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Ang importante lang ay maligaya kayo’: Vilma Santos, may mensahe para kay Luis Manzano at Jessy Mendiola

‘Ang importante lang ay maligaya kayo’: Vilma Santos, may mensahe para kay Luis Manzano at Jessy Mendiola

Emosyonal na nag-iwan ng mensahe para sa isa't-isa sina Luis Manzano at Jessy Mendiola para sa pagdiriwang ng kanilang third anniversary sa Magandang Buhay.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/15/2019 8:57 AM
‘Ang importante lang ay maligaya kayo’: Vilma Santos, may mensahe para kay Luis Manzano at Jessy Mendiola


Photo credit: @djsammyt0917/@senorita_jessy on Instagram

Isang sorpresang mensahe ang ibinigay ng Star for All Season na si Vilma Santos para sa third anniversary bilang magkasintahan ng anak niyang si Luis Manzano at nobya nitong si Jessy Mendiola. Sa video greeting na ipinakita sa Magandang Buhay noong Huwebes, July 11, ani Vilma, "I'm out of the country pero hindi pwedeng hindi ko kayo babatiing dalawa. Ang importante lang ay maligaya kayo."

"Lucky, you are very, very happy and I would like to thank Jessy for making you really happy with your life. So God bless you and if there's anything nandito lang si momski. I love you both and we love you both. God bless your relationship," pagpapatuloy ni Vilma.

READ: Luis Manzano and Jessy Mendiola on planning their wedding destination: ‘We have two options’

Nang hiningan naman ng mensahe para sa isa't-isa, hindi napigilan ni Jessy ang maging emosyonal para kay Luis. "Ang maipapangako ko sa iyo ay lagi akong nandito para sa iyo at palagi kitang aalagaan. At hindi na ako magpapaapekto sa kung anuman ang sasabin nila," ani Jessy na hindi na napigilang maging emosyonal.

"Hindi lang pangako. Gusto ko rin magpasalamat. Kasi ikaw 'yung naging sandalan ko kapag nahihirapan na ako. Minsan kapag mahirap, palagi mo akong pinapatawa. Gusto ko lang magpasalamat kasi dumating ka sa buhay ko at importante ka sa buhay ko," sabi ni Jessy. 

 

Isang pangako rin ang iniwan ni Luis para sa kaniyang girlfriend na para sa kaniya ay ang pinaka-malakas na babaeng nakilala niya. 

"She is the strongest person I know. And I promise na kapag dumating 'yung araw na 'yung strength na 'yun ay medyo bumababa ng kaunti, I promise to be your strength. I promise to be there for you. I promise na I will try to make that beautiful lips or mouth smile everyday. I promise to love you from this day forth 'til that very, very special day that we get to say two words and so much more after that," nakaka-touch na mensahe ni Luis. 

Nabanggit man ang planong pagpapaksal, hindi na rin nagkaroon ng pagkakataon na pag-usapan ng dalawa ang mga plano para sa kanilang future wedding. 

June 2016 nang naging opisyal ang relasyon nila Luis at Jessy. 

READ: Will Luis Manzano finally propose to Jessy Mendiola in Paris?

WATCH: Luis Manzano and Jessy Mendiola pinaplano na ang kasal?

Hindi man naisa-publiko ang naganap na proposal, maraming nagsasabing noong Europe trip ng dalawa nitong nakaraang taon ito nangyari. Ilang linggo ang nakaraan, isang social media post ang nagpakitang nagsisimula nang magplano sila Jessy at Luis ng kanilang wedding.