• Home
  • Fresh Scoops
  • Kit Thompson, nakipag kagatan-labi kay Mylene Dizon sa Cinemalaya movie

Kit Thompson, nakipag kagatan-labi kay Mylene Dizon sa Cinemalaya movie

Two years in a relationship din si Kit sa kanyang non-showbiz girlfriend.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/14/2019 11:53 AM
Kit Thompson, nakipag kagatan-labi kay Mylene Dizon sa Cinemalaya movie


Mainit na inaabangan ngayon sa pagbubukas ng 15th Cinemalaya independent film festival ang pelikula ng Kapamilya star na si Kit Thompson at Mylene Dizon na Belle Douleur.

 

Dito, aminado si Kit na naka-kagatan labi niya si Mylene Dizon sa ilang eksena nila.

“Baka, (laughs) Nadala siguro ako e (laughs) May ganun ba? Baka. Tanungin mo na lang si Mylene (laughs),” pabirong sagot ni Kit sa panayam.

Dahil first time nakatrabaho si Mylene Dizon, todo papuri din si Kit para sa bagong kapareha.

“She’s amazing, she’s a great actress, she’s great. Overall great human, great actress,” sabi pa niya.

Ayon pa sa aktor, hindi lang basta tungkol sa pa-sexy ng kuwento ng kanilang pelikula.

“No I would describe it as the title [Belle Douleur] beautiful pain. Ganun na ganun siya, like bitter sweet kind of love story,” aniya.

Nalilinya man sa mga daring at sexy na proyekto na ngayon, paglilinaw ni Kit: “Siguro nagkataon lang din na ganito ‘yung mga lumabas, pero may iba pa din na mga project offer na hindi sexy, wholesome naman,” sabi pa niya. 

At bilang aktor, na-e-enjoy din daw niya ang mga kakaibang ang roles na binibigay sa kanya.

“Oo naman, I enjoy playing different things you know, that’s why I want to explore also, ‘yung mga different roles,” tugon ng aktor.

Samanatala, aminado din si Kit na two years in a relationship siya ngayon sa kanyang non-showbiz girlfriend. Aniya, todo suporta ito sa kanyang mga proyekto.

“Okay naman, supportive naman siya pero siyempre pag minsan, may mga konting ganyan ganyan (affected) pero fully supportive naman siya sa akin,” sabi ng aktor.

Tila wala na din daw selos na nagaganap sa tuwing may sexy project siya na ginagawa.

“Siguro nasanay na ang dami na daw e, ‘ilan na ba ‘yung babae na nakakahalikan mo habang tayo ha?’” natatawang pahayag pa ni Kit.

Mapapanood ang Belle Douleur at iba pang pelikula sa 15th Cinemalaya simula ngayong August 7 hanggang 13.