• Home
  • Fresh Scoops
  • Iza Calzado says she is unexpectedly busier than ever with a lot of offers

Iza Calzado says she is unexpectedly busier than ever with a lot of offers

Unlike her younger years, Iza Calzado is being offered a lot of projects after her marriage to Ben Wintle.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/14/2019 11:16 AM
Iza Calzado says she is unexpectedly busier than ever with a lot of offers


Photo credit: @missizacalzado IG

Nagtataka si Iza Calzado na kung kailan siya ikinasal kay Ben Wintle at nagka-asawa ay saka naman mas dumami ang kanyang offers na gumawa ng peikula. Bida ang aktres ngayon sa Cinemalaya movie na Pandanggo sa Hukay.

“Ewan ko nga, anong nangyayari. Sabi ko nga, napa-ano nga ako, eh. Sabi ko, there must be so much content being made at the moment because I had to turn down three projects. I mean this without any arrogance so whatever,” pagtatapat ng aktres sa PUSH.
Patuloy ni Iza, “The way it is now, sabi ko, baka ang dami, kasi bakit nu’ng 20s ko ang dami kong nganga moments. Bakit ngayon parang… anong meron?

“I think the last five years ang dami kong nganga moments±yung wala, tambay-tambay, ganun. Kahit earlier this year parang Feb., March wala.

“But March, this (Pandanggo Sa Hukay) was offered to me na. Sabi ko, anong meron? Kasi iniisip ko rin baka din… may iWant na kasi, di ba?

“Maraming pelikula din na ginagawa. Maraming festival. Marami ding nag-try na maka-submit sa MMFF, so siguro, right now lang nagkakataon na maraming season for a lot of material that’s being made.

“Pero whatever it is, I’m very grateful that there’s so much content na ginagawa for film, digital, for TV because that means there’s more job opportunities for us, not just actors kundi sa production people din. It’s exciting time, di ba?

“Dati kasi nung 20s at early 20s ko kailangan mainstream yung pelikula mo kung hindi nganga ka. Kokonti pa lang ang nagsi-Cinemalaya noon,” dire-diretsong pahayag ni Iza.

Kung maraming offers sa pelikula, wala pa raw siyang offer na gumawa ng bagong teleserye. Pero gumawa naman daw siya ng series sa iWant titled 400 Miles kasama si Jameson Blake.

“Wala pa namang offer, eh. Eh, kasi iWant is technically under ABS-CBN kaya ko rin siya tinanggap para, ‘uy, may ginawa na ako.’ Tsaka sa totoo lang, medyo pagod pa akong magteleserye kasi it’s one after the other, eh. From A Love To Last tapos nag-Ngayon at Kailanman na.

“Medyo burnt out talaga ako last year, so parang unless the role is super good,” rason ng aktres.

Naikuwento rin ni Iza na may intense love scene siya kay Jameson sa 400 Miles

“Jameson (Blake) was my lover and I have never done love scenes as intense as that, so medyo pag-uwi ko, ‘ano ba yung ginawa ko?’ Buti na lang my husband is very supportive and sinusuporta niya yung mga kagagahan ko sa buhay ko,” huling pahayag ni Iza sa PUSH.