• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Enzo Pineda talks about how much exposure he did for his intimate scenes in ‘Malamaya’

EXCLUSIVE: Enzo Pineda talks about how much exposure he did for his intimate scenes in ‘Malamaya’

Enzo Pineda says he let go of his inhibitions for some of his scenes.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/14/2019 11:12 AM
EXCLUSIVE: Enzo Pineda talks about how much exposure he did for his intimate scenes in ‘Malamaya’


Photo credits: @its_enzopineda IG

Enzo Pineda is portraying the role of Migs na isang photographer na gustong maging artist sa Cinemalaya film na Malamaya. Mai-involve siya at mai-in love sa karakter ni Nora, isang 50-year-
old artist na ginagampanan naman ni Sunshine Cruz.

“Makikilala ko si Sunshine Cruz na matagal ko nang crush, matagal ko nang hinahangaan. We’re able to build romantic relationship na may halong student-mentor.

“Pero hindi lang puro romance ang pelikulang ito, kumbaga, it’s about the life of an artist, specifically si Sunshine taga-UP Diliman. Pinapakita dito yung mga struggles, mga challenges ng pagiging artist and at the same time, meron kaming passionate romantic relationship,” brief description niya about the story of the film na idinirek ng two newbie lady directors – Danica Sta. Lucia and Leilani Chavez.

Ayon pa kay Enzo, kahit mas bata ang karakter ninya kumpara kay Sunshine sa pelikula ay palaban din daw naman ito.

“Ako bilang bata, hindi rin naman ako nagpapatalo, but of course, her being more dominant between the two characters lumalabas yon. Pero yung character ko palaban din and I guess that’s what makes the romance exciting.

“So, parehas kaming may gustong makuha sa isa’t isa, hindi lang sa relationship ha, kumbaga pati sa art, yung knowledge niya kasi mas marami siyang alam sa akin,” kuwento ng aktor na napapanood din sa morning series ng ABS-CBN na Nang Ngumiti Ang Langit.

Eh, kumusta namang katrabaho ang dalawang baguhang lady directors? Hindi ba siya nagkaroong ng “trust issue” sa kanila?

Ani Enzo, “Open silang katrabaho. Very collaborative. They are open kung ano yung mga suggestions ko.

“Wala, wala (trust issue). Saka ako naman, team player naman ako ever since. Kung ano yung ikakaganda ng show, kung ano yung kailangan gagawin ko,” sey pa niya.

Inamin din ng aktor sa PUSH interview na hindi maiiwasang makitaan siya sa ilang eksena sa pelikula.

“Marami talagang nakita, eh,” sabay tawa niya nang malakas.

“Pag sa mga eksena, sa totoo lang, minsan wala na akong pakialam. Kasi parang nando’n na tayo, gawin na natin ‘to, ba’t pa nagkakahiyaan.

“Kahit konting takip lang (sa front), minsan wala na rin akong paki kasi pag inisip ko na magigng hindrance ito sa eksena ko, masasayang yung eksena, so might as well go for it na. Nandito na ako, eh, bibitinin ko pa ba yung sarili ko?” katwiran ng aktor.

Dugtong niya, “Lumampas na ako sa phase na, okey, artista ako, I earned money, I go out a lot with my friends, gumigimik ako palagi, pa-good boy din, parang half-half. Now parang nag-decide ako, I want to be an actor.”