• Home
  • Fresh Scoops
  • Arci Muñoz, ‘level 11’ sa kaseksihan sa pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Arci Muñoz, ‘level 11’ sa kaseksihan sa pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Makakasama ni Arci Muñoz ang aktor na si JC Santos.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/14/2019 12:35 PM
Arci Muñoz, ‘level 11’ sa kaseksihan sa pelikula sa Pista ng Pelikulang Pilipino


Photo credits: @andoyr1973 IG (left), @ramonathornes IG (right)

Isa ang Kapamilya star na si Arci Muñoz sa mga mapapanood ngayon sa pelikulang Open na bahagi ng ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) kasama ang aktor na si JC Santos.

Kuwento ni Arci next level sa kaseksihan ang kanyang gagawin ngayon sa bagong proyekto.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Tag that someone na nagtatago sa likod ng friend para mukhang payat. 😎 #MetroBodyIssue2019 #open

A post shared by Arci Munoz 🌻 (@ramonathornes) on

“Ako nga na shock e, sabi ko kay direk Andoy [Ranay], ‘Direk, papatayin ako ng nanay ko.’ ‘Mama wag ka manood nito,’” sabi ni Arci sa panayam.

Para kay Arci, matapang ang kuwento ng kanyang proyekto na bihirang gawin sa isang pelikula.

“Kasi iba siya e, iba ‘yung istorya niya hindi siya tina-tackle ng medyo before so ngayon medyo may mga matatapang na kinunan ‘yung ganitong klase ng story, tinggap ‘yung ganitong klase ng kuwento so bahala na sila, (laughs),” aniya.

At kung sa paghahanda naman, kuwento ni kay Arci, wine wine lang kanyang naging kakampi.

“Uminom lang ng maraming wine (laughs) kami ni JC marami kaming nainom na wine dito, at totoong wine ang pinapainom sa amin ni Direk, (para saan) para tumapang (laughs) para mag-init, jusmiyo,” masayang kuwento ni Arci.

Bukod sa pelikulang bahagi sa Pista ng Pelikulang Pilipino, abala din si Arci sa shoot ng proyekto kasama si JM De Guzman na mapapanood anytime soon sa ABS-CBN.

Mapapanood ang Open at iba pang pelikulang kalahok sa ikatlong Pista ng Pelikulang Pilipino simula September 9 hanggang 13 sa mga sinehan sa Pilipinas.