Aga Muhlach, inalala si Eddie Garcia

Isang malaking karangalan para kay Aga Muhlach na minsan niyang nakatrabaho ang screen legend na si Eddie Garcia bago ito pumanaw nitong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/14/2019 8:02 PM
Aga Muhlach, inalala si Eddie Garcia


Photo credit: @agamuhlach317 on Instagram

Isang malaking karangalan para kay Aga Muhlach na minsan niyang nakatrabaho ang screen legend na si Eddie Garcia bago ito pumanaw nitong taon.

Sinabi ito ng nakakabatang star nang magbahagi siya ng kanyang throwback photo kasama si "Manoy" mula sa 1984 comedy film na “Ang Erpat Kong Forgets”, kung saan sila bumida bilang mag-ama. Sa kanyang caption na ibinahagi sa Instagram nitong Sabado, inalala ni Aga si Eddie bilang isa sa pinaka-magagaling at pinakama-babait na aktor sa industriya.

 

 

“It’s never too late to pay tribute to one of the best actors & one of the kindest in the industry. A legend. This photo is a great moment I will never forget & it is truly an honor to have worked with Tito Eddie and his legacy will forever remain in our hearts. Rest In Peace, Manoy,” aniya.

Bukod sa “Ang Erpat” ay nagkasama rin si Aga at Eddie sa pelikulang “Nasaan Ka Nang Kailangan Kita” taong 1986.

Ika-8 ng Hunyo nang nagulantang ang showbiz world matapos ang balitang naaksidente ang former “Ang Probinsyano” star habang nasa taping ng kanyang palabas sa GMA Network. 

Napag-alaman na siya ay nagtamo ng neck fracture matapos di umano mapatid sa cable wire. Makaraan ang halos dalawang linggo na siya ay comatose sa ospital, tuluyan nang pumanaw si Eddie noon ika-20 ng Hunyo sa edad na 90.