• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy de Leon, walang napansin na kakaiba sa pagitan ng JoshLia

McCoy de Leon, walang napansin na kakaiba sa pagitan ng JoshLia

McCoy de Leon, kaya na rin bang maging ‘best friend’ sila ni Elisse Joson?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/13/2019 11:43 AM
McCoy de Leon, walang napansin na kakaiba sa pagitan ng JoshLia


Photo Credit: @hashtag_mccoydl on IG

Ayon kay McCoy de Leon, wala naman siyang napapansing kakaiba sa ikinikilos ng ni Joshua Garcia habang nagsusyuting sila ng zombie movie na Block Z. Kasama nina McCoy sa pelikula ng Star Cinema sina Joshua at ang ex-girlfriend nitong si Julia Barretto.

Hindi rin daw niya nakikitang depressed ang kaibigang aktor.

“Ay, hindi naman,” reaksyon ni McCoy nang makausap namin siya sa mediacon ng Pista ng Pelikulang Pilipino kung saan official entry barakada movie nilang G!

“Lalo siyang nagwo-work hard ngayon, eh. Lalo siyang nagsisipag. Pero hindi naman siya yung depressed. Nakikita kong masaya siya kapag nagtatrabaho kami,” dagdag ni McCoy.

Wala rin daw siyang idea na hiwalay na sina Joshua at Julia.

“Yon nga po, sabi ko wala akong idea na meron na palang nangyari kasi ang napapansin ko sa kanila, kahit kay Julia, sobrang okey sila at nag-uusap sila sa set,” ani McCoy.

Lalong hindi rin daw niya nakitang nag-iiwasan sa set ng Block Z sina Joshua at Julia.

“Wala akong napapansin sa kanila. Nag-uusap sila, eh. Hindi naman sila nakaka-delay sa trabaho at yon naman po ang importante,” sambit pa niya.

Mag-best friend na lang ang turingan ngayon nina Joshua at Julia at ayon kay McCoy, hindi raw madali ang ganun.

Aniya, “Hindi po madali yon, pero sa akin, sobrang magandang bagay yon sa kanilang dalawa kasi nagwo-work sila together, eh. Siyempre, may pinagsamahan naman sila, eh. Kumbaga, yon yung good thing na hindi sila magkaaway, yon ang maganda.”

Sila ba ni Elisse Joson ay puwede ring maging mag-best friend?

“Hindi ko rin po alam. Hindi ko rin masasabi. Basta sa akin po, nangingibabaw na lang na masaya ako sa mga nakasama ko dati o nakarelasyon ko.

“Actually, yon nga po ang mahirap, eh, lagi kong nakikita sa interview na palagi niyang sinasara (ang chance na mag-work kami ulit). Ayoko namang ipakita sa tao na ako yung gustung-gusto ulit. Andito lang naman ako, masaya ako para sa kanya kung sino man ang makakasama niya.

“Basta positive lang ako. Hindi ako nagiging bitter, na iniisip na mada-down yung tao. Basta andito lang ako, lagi ko naman sinasabi sa kanya yon, eh. Kahit naman dati pa, nung may away kami,” lahad ni McCoy.

Ibinalita rin ni McCoy sa amin na nagpunta siya sa anniversary ng McLisse na inorganisa ng kanilang fans and supporters.

“Nag-anniversary ang McLisse, secret ako na nagpunta do’n. Actually, wala siya don. Gusto ko lang ipakita sa kanila na… gusto kong suklian kung ano yung binigay nila sa akin. Gusto kong ibalik yung saya na binigay nila sa akin.

“Yung mga fans naman alam din nila kung ano ang nangyari kaya hindi na rin sila…  Pangit kasi yung word na umaasa, eh, pero kung wala na talaga, naiintindihan naman nila yon. Ang importante makita nila yung presence namin at masaya na sila don,” huling pahayag ni McCoy sa PUSH.