• Home
  • Fresh Scoops
  • Maris Racal at Inigo Pascual, together again sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Maris Racal at Inigo Pascual, together again sa Pista ng Pelikulang Pilipino

Bahagi ang ‘I’m Ellenya L’ ni Maris Racal at Inigo Pascual sa ikatlong taon ng PPP.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/13/2019 1:06 PM
Maris Racal at Inigo Pascual, together again sa Pista ng Pelikulang Pilipino


Magkasamang dumating ang Kapamilya stars na sina Maris Racal at Inigo Pascual sa naganap na media presentation ng ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino.

Bahagi ng PPP year 3 ang kanilang first movie together na I’m Ellenya L na mapapanood sa pagbubukas ng Film Festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

“Excited po kami dahil almost two years po namin ito hinintay. And ito na, finally dahil na blessed pa kami kasi kabilang siya sa PPP which is isa din sa dream namin dati pa habang sinu-shoot namin and very happy lang kami today,” bungad ni Maris sa panayam.

Dahil matagal na hindi nakita ng publiko at ng fans ng kanilang love team, aminado si Maris at Inigo na na-miss nila ang isa’t-isa.

Dito, bakas ang kanilang pananabik ng muling magkasama sa pelikula.

“Oo naman,” ani Maris.

“I performed couple of my songs ng hindi kasama si Maris and I told her, iba pa din pala pag kasama ko siya sa performance,” tugon ni Inigo. 

“Wow! Nice to know ah,” sagot ni Maris sa pahayag ni Inigo.

Matatandaan na kamakailan, naging laman ng mga balita ang tila pag-lie low ng kanilang tamabalan at pag focus muna nila sa kanilang-sariling mga karera.

READ: Maris Racal, handa na nga makipag-date muli?

READ: Inigo Pascual at Maris Racal, nanatiling magkaibigan

Hindi man madalas na magkasama ngayon, masaya si Inigo at Maris na nanatili ang kanilang magandang pag-kakaibigan.

At kung tatanungin kung posible ba ang upcoming projects together ng MarNigo tandem, “Game, Game kami,” sabay na sagot ni Maris at Inigo.

Dagdag ni Inigo “Itong movie na ‘to, noong napanood namin, I said before to not act anymore but if it’s with Maris, I’ll do it,” sabi ni Inigo.

“Game ako and kung may work with Inigo, and kung madali lang ‘yan gawin, kasi ‘yung vibe namin, masaya lang,” pahayag ni Maris.

Mapapanood ang I’m Ellenya L at iba pang pelikula ng PPP simula September 13 hanggang 19 sa mga sinehan sa buong Pilipinas.