• Home
  • Fresh Scoops
  • Luis Manzano, nilinaw ang sinabi niya ukol sa engagement ng ex na si Angel Locsin

Luis Manzano, nilinaw ang sinabi niya ukol sa engagement ng ex na si Angel Locsin

Sinabi ni Luis Manzano na di naman kelangan na ng opinyon niya tungkol sa pag-aasawa ng dating girlfriend na si Angel Locsin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/13/2019 3:05 PM
Luis Manzano, nilinaw ang sinabi niya ukol sa engagement ng ex na si Angel Locsin


Photo Credit: @therealangellocsin on IG

Sa Twitter, ipinarating ni Luis Manzano na na-misinterpret ang kanyang sinabi sa isang viral video kung saan ay hiningi ang kanyang reaksyon sa engagement ng dating girlfriend na si Angel Locsin sa film producer na si Neil Arce.

Sa naturang video, inakala ng mga netizens na ang sinabi niya ay "Huwag niya akong idamay sa kwento niya" at sinabing 'bitter' pa din ang TV host sa nangyari sa kanila ni Angel.

"Ang kuwento nila ay sa kanila, ang amin ay amin kaya huwag na kami idamay ng ibang fans or press sa love story ng ibang tao," tweet ni Luis at sinabing di naman din kelangan pa ng kanyang opinyon sa kaganapan na iyon.

Iginiit ng Minute to Win It host na mabilis ang kanyang pagkakasabi sa video kaya't baka di malinaw sa mga nakapanood dito.

 

Taong 2007 nang unang naging magkasintahan si Luis at Angel. Naghiwalay sila noong 2009 pero nagkabalikan din noong 2014. Pero matapos ang dalawang taon, tinuldukan na talaga ng dalawa ang kanilang relasyon at di naging maganda ang kanilang paghihiwalay.

READ: Luis Manzano said Jessy Mendiola had nothing to do with his break up with Angel Locsin

Kasintahan ngayon ni Luis ang aktres na si Jessy Mendiola.