Sa dalawang Instagram post, ibinahagi ni Kris Aquino ang treatment para sa kanyang malubhang migraine na nararanasan ng madalas lately.
Sa isa sa mga video, ibinahagi na din ni Kris ang kanyang pagaalangan na tanggapin ang role sa isang horror movie na ipo-produce ng Quantum Films. Ito ang sinasabing entry ng film outfit sa paparating na Metro Manila Film Festival sa December.
READ: Aga Muhlach, Vice Ganda, Kris Aquino at Vic Sotto magbabanggaan sa MMFF
"Please watch the whole video because HUMIRIT pa po ako ... not wanting to give Atty. Joji of Quantum Films, @visionerickson and @jeffvadillo of @cornerstone heart attacks, and with much gratitude to the MMFF 2019 executive committee and those who selected (K)Ampon to be among the 1st 4 chosen entries, mag o-obey po ako sa mga doctors ko," panimula niyang post.
"May checklist sila regarding my health and kung magbibigay sila ng medical clearance for me to shoot a horror. I’ve accepted na may physical limitations na talaga ‘ko. Humility has taught me other actresses can credibly play my role. Kaya po kayo ang tatanungin ko (since kayo naman ang manunood) - should I make my return via this horror movie or give way now para makahanap na ng other actress to take my place? Nagtanong ako, so hindi (ako) mapipikon sa kung ano man ang sagot.
Mukhang namimiss talaga ni Kris ang pag-aartista dahil kailan lang ay sinabi nitong magpapahinga muna siya sa limelight para pagtuunan ng pansin ang kanyang mga anak na sina Josh and Bimby, pati na rin ang kanyang kalusugan.
READ:Kris Aquino ayaw na sa limelight, gustong maging ‘private citizen’
Nagbigay na siya ng pahawatig sa kanyang bagong movie project noong June 19 sa social media.
“I won’t give specific details, mabait ang producers because I had asked to start in September when I feel my immunity can take on the physicality required, but for now I need to strengthen myself. Thank you for your patience with me. I’m learning to exercise that with myself, too,” sabi niya sa kanyang post.