• Home
  • Fresh Scoops
  • Janine Gutierrez teases Paulo Avelino, calls his response to fans as ‘very titillating and scandalous’

Janine Gutierrez teases Paulo Avelino, calls his response to fans as ‘very titillating and scandalous’

Janine Gutierez at Paulo Avelino, masaya dahil magkakatrabaho sila

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me @cristinatampepe

FRESH SCOOPS

7/13/2019 1:56 PM
Janine Gutierrez teases Paulo Avelino, calls his response to fans as ‘very titillating and scandalous’


Photo Credit: @janinegutierrez on IG

Sa ulat mula sa TV Patrol, nagkomento sina Paulo Avelino at Janine Gutierez tungkol sa pagiging pinakabagong “crossover pairing” niila.

READ: Paulo Avelino paired with Janine Gutierrez in new film

GMA kasi ang home network ni Janine habang si Paulo naman ay isang Kapamilya at isa sa mga bida ng hit seryeng The General’s Daughter. Magkakasama sina Janine at Paulo sa pelikulang If We Don’t Make It sa direksyon ni Prime Cruz.

“I’ve always been a fan of Paulo’s films so excited talaga ako,” ani Janine.

Nang tuksuhin siya ni Paulo na bolero siya, depensa ng aktres na totoo ang sinasabi niya. “Favorite ko talaga yung I’m Drunk I Love You,” ayon sa dalaga.

Masaya rin si Paulo sa tambalan nila ni Janine. “May nakakatrabaho kang bago na hindi mo nakakasama pangkaraniwan,” ayon sa aktor.

Tinawag naman ni Janine na “very titillating and scandalous,” ang mga sagot ni Paulo sa mga fans na kailan lang ay nag-trending sa Twitter.

READ: Paulo Avelino posts witty replies to fan comments

“Nakakatuwa. Ang social media naman, it’s a way of reaching out to people supporting us. It’s a nice way to reach out also and give them our thanks in a different way,” sagot ng aktor.

Paulo Avelino posts witty replies to fan comments