• Home
  • Fresh Scoops
  • Alyssa Muhlach sa kaniyang bagong leading man na si JM De Guzman: “He’s a gentleman”

Alyssa Muhlach sa kaniyang bagong leading man na si JM De Guzman: “He’s a gentleman”

Na-starstruck daw ang pambato ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana 2018 na si Alyssa Muhlach sa kaniyang mga ‘Pamilya Natin’ co-actors JM De Guzman at Arci Muñoz sa unang araw ng kanilang shooting day.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/13/2019 1:27 PM
Alyssa Muhlach sa kaniyang bagong leading man na si JM De Guzman: “He’s a gentleman”


Photo credit: @1migueldeguzman on Instagram (R)

Handa na at naka-abang ang Reina Hispanoamericana Filipinas 2018 na si Alyssa Muhlach sa mga paparating na mga proyekto mula sa ABS-CBN Films ngayong pumirma siya ng exclusive contract dito noong July 11. Ayon kay Alyssa, pinaka-inaabangan niya ang paggawa ng pelikula na may temang romantic comedy.

"Mahilig kasi ako sa mga romcom na movies, so yun ang mga nilu-look forward kong mga projects, romcom, or about family, kasi I'm also close to my family," masayang pahayag ni Alyssa.

Pagdating naman sa mga gusto niyang maka-trabaho, magandang ideya daw kung magkakaroon siya ng proyekto kasama ang mga kilalang kamag-anak niya tulad nina Aga, Arlene at Niño Muhlach.

Hindi man pinalad na makuha ang korona ng Reina Hispanoamericana noong nakaraang taon, pumatok naman sa takilya ang isa sa mga pelikulang ginawa ni Alyssa matapos ang international competition, ang Clarita.

"I'm really really grateful especially to my manager, siya talaga nag-ayos ng lahat. Umuwi po ako from Bolivia, doon po ako nag-compete [last year], and pag-uwi nag go-see na ako dito, ganon siya ka-efficient. I'm super super grateful kasi I was able to do Clarita from Black Sheep and sobrang naging successful po," paliwang ni Alyssa.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

✨DREAMS DO COME TRUE✨ Somebody pinch me!!! 🙈 I still can’t believe that I just signed a multi-picture contract with ABS-CBN Films. 😍 I am truly so humbled, grateful, kilig and happy all at the same time ❤️ Thank you so much to my manager (@arnold_vegafria) and to ABS-CBN Films (Inang Olivia Lamasan, Miss Zel, Miss Gines, Miss @jd_ching and Sir @micodelrosario1) for giving me this opportunity!!! ❤️❤️❤️ Thank you for this wonderful blessing, Papa God! ✨ @starcinema • • • Make Up: @jrcons (using @byscosmetics_ph) Hair: @hairbyvaleriecorpuz Styling: @francischee_ Dress: @markbumgarner Hair Color: @csalonph Hair Extensions: @lynellehair Nails: @idonailsph @idonailsprima Smile: @dior_dentalcare Skin: @cathyvalenciaskinclinic

A post shared by Alyssa Muhlach Alvarez (@alyssamuhlach) on

 

READ: JM De Guzman, may mga bagong makakatambal sa bagong teleserye

Bukod sa mga pelikula, kasalukuyan na ring nagte-taping si Alyssa para sa bagong teleseryeng pagbibidahan, ang Pamliya Natin. Sa unang pagkakataon makakasama niya rito sina JM De Guzman at Arci Muñoz, na kung saan ay inamin niyang na-star struck siya sa unang araw nila ng shooting. 

"I play the role of Dr. Pia Dela Paz, so ako po yung love interest ni JM De Guzman din. So very strict po yung dad ko sa show, my father owns the hospital, so may strict parent effect. Si JM, ita-try niya akong ligawan, tignan natin kung gagana," maiksing kuwento ng beauty queen at aktres.

Nang tinanong ang beauty queen kung bukas siya sa pagiging opisyal ng kanilang tambalan ni JM, "Yes po. Napakabait po na lalaki ni JM, and he's a gentleman. He's really kind to everybody," sagot niya.

Kasama rin sa cast members ng naturang teleserye sina Sylvia Sanchez, Joey Marquez, Kid Yambao, Kiko Estrada at iba pa. Sa ngayon, wala pang ganap na date kung kailan magsisimulang ipalabas ang Pamilya Natin.