• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Mark McMahon, aminadong na-reject ng maraming beses bago natanggap sa showbiz

EXCLUSIVE: Mark McMahon, aminadong na-reject ng maraming beses bago natanggap sa showbiz

Inamin ni Mark MacMahon na na-depress siya noong di siya nakapasa sa ilang audition.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/13/2019 8:24 AM
EXCLUSIVE: Mark McMahon, aminadong na-reject ng maraming beses bago natanggap sa showbiz


Desidido ang Filipino-Scottish model na si Mark Mcmahon na pasukin ang showbiz at maging artista. In fact, ilang beses na siyang nag-audition noon sa Star Magic at Pinoy Big Brother pero hindi natatanggap.

“Siguro mga three times din yon, every year yata nag-a-audition ako noon. Twenty years old pa lang siguro ako nung nag-start ako mag-try, pero laging hindi ako nakukuha,” simulang kuwento ng binata sa PUSH.

Dahil sa sunud-sunod na failure auditions ay nag-decide na siyang umuwi ng Scotland.

“Nag-stop na akong mag-audition. Umuwi ako ng Scotland. Yung feeling na parang nag-give-up, pero na-depress lang talaga ako, so kailangan ko lang mag-reboot so umuwi ako ng Scotland for a year.

“Tapos galing ng Scotland diretso ako sa Siargao, yung province ko. So, parang I just stepped out of the industry muna to re-analyze, re-asses myself, para alam ko kung anong kailangan kong i-improve, like yung Tagalog ko.

“Dati hindi pa ako marunong mag-Tagalog pero ngayon dire-diretso na.

“Ang plano ko dapat uuwi na talaga ako ng Scotland, pero nag-audition ulit ako sa Star Magic saka sa PBB at yon natanggap naman don sa dalawa,” tuluy-tuloy ulit na kuwento ni Mark.

Aminado ang binata na gustung-gusto talaga niyang mag-artista at pasukin ang showbiz kaya hindi niya ito sinukuan.

Aniya, “Gusto ko talagang mag-showbiz, eh. Mahilig ako sa acting, gusto kong mag-act kahit nung nasa Scotland pa ako gusto kong maging artista talaga.

“Nag-study ako ng Tagalog para hindi ako mahirapan sa mga lines, at saka importante ang Tagalog kasi kung alam ko yung mga words at paano gamitin, mapi-feel ko at maiintindihan ko yung emotions at ma-apply ko sa acting.

“Dati kasi hindi ko alam yung words, kung paano i-pronounce and dahil do’n walang emotions. Pero dahil natuto ako ng Tagalog, mas naintindihan ko na ngayon.”

Nitong 2018 ay masuwerteng napabilang si Mark sa PBB Otso housemate na nag-open din ng door para mapasama siya sa pelikulang The Panti Sisters na pinagbibidahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables at Martin del Rosario.

Ang The Panti Sisters ay kalahok sa third Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP.

Ano ba ang na-realize niya sa mga pinagdaanan sa buhay?

“You can rest, but don’t stop. Kasi if you really stop mas made-depress ka pa. Oo, kailangan mong mag-step-up minsan, kailangan mong magpahinga, pero don’t stop talaga at ganun yung ginawa ko.

“Now, things are really working out, may perfect timing for all of us, eh, so always believe and have faith,” pahayag niya.

“If it’s really what you want to do, you just really have to work to it, meet that opportunity and be prepared, magka-connect yon, eh.

“May opportunities lagi, eh, pero kung hindi ka prepared which I’ve experienced dati, wala akong masyadong projects na natanggap kasi hindi ako marunong mag-Tagalog, pero ngayon na I’ve been prepared, natatanggap na ako and I’ve feel so blessed and I’m proud of myself,” deklara pa ng model-turned actor.