Rafael Rosell, magbabalik Kapamilya

Matapos ang pitong taon, nagbabalik bilang Kapamilya ang aktor na si Rafael Rosell para sa ika-limang anibersaryo ng legal anthology series na Ipaglaban Mo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/12/2019 4:24 PM
Rafael Rosell, magbabalik Kapamilya


Photo credit: @rafrafrosell on Instagram (R)

Matapos ang pitong taon, nagbabalik bilang Kapamilya ang aktor na si Rafael Rosell para sa ika-limang anibersaryo ng legal anthology series na Ipaglaban Mo.

Kasamang bibida ni Rafael si JM de Guzman sa kanyang pinakaunang episode sa nasabing palabas.

Ikinumpirma ito ng teaser trailer na ibinahagi ng Ipaglaban Mo sa kanilang Instagram page noong Huwebes.

 

 

Huling lumabas si Rafael bilang Kapamilya sa ABS-CBN drama series na Dahil Sa Pag-Ibig kasama sina Piolo Pascual, Jericho Rosales, Cristine Reyes, at Maricar Reyes noong 2012.

Bukod kay Rafael at JM, tampok din sina Denise Laurel, Ariel Rivera, Arci Munoz, Vin Abrenica, Jhong Hilario, at Nikki Valdez sa pinakaaabangang bagong episode ng legal drama.

Mapapanood ang Ipaglaban Mo tuwing Sabado ng hapon pagkatapos ang It’s Showtime.