• Home
  • Fresh Scoops
  • Geoff Eigenmann, umaming may pressure sa cast ng ‘The Killer Bride’

Geoff Eigenmann, umaming may pressure sa cast ng ‘The Killer Bride’

Inamin naman ni Geoff Eigenmann na ramdam niya ang pressure sa cast ng The Killer Bride na nagsisilbing comeback ni Maja Salvador sa telebisyon matapos ang sikat niyang serye na Wildflower.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

7/12/2019 4:49 PM
Geoff Eigenmann, umaming may pressure sa cast ng ‘The Killer Bride’


Excited na si Geoff Eigenmann sa muling pagtatambal nila ng aktres na si Maja Salvador sampung taon matapos ang kanilang huling pelikulang Villa Estrella.

Sa kanilang reunion, gaganap ang aktor bilang love interest ng karakter ni Maja na si Camilla na siyang sentro ng istorya ng bagong gothic romance series na The Killer Bride.

“It’s always been a pleasure to work with Maja. This isn’t the first time na nagsama naman kami. We did the First Day High before but, 12 years ago pa. We also did a soap before na hindi lang umere,” ani Geoff sa ekslusibong interview kasama ang PUSH.

“Sobrang professional. When we go into scenes, it’s so easy. Nakakahatak ako sa kanya. When she gets emotional, she just draws you in talaga. So, it’s very easy working with her,” dagdag pa niya.

Inamin naman ni Geoff na ramdam niya ang pressure sa cast ng The Killer Bride na nagsisilbing comeback ni Maja sa telebisyon matapos ang sikat niyang serye na Wildflower.  

“Yeah, definitely. Because Maja came from a huge show, an epic show na ‘Wildflower’ na inabangan talaga ng tao. Everywhere you went, pinag-uusapan. So, syempre, on that part, may pressure din,” aniya.

“On my part din naman, this is my first time back with ABS-CBN, and this is a huge show. So double the pressure. I need to live up to what people expect of me, and syempre to be able to hold also what Maja has already done in the past, na matuloy tuloy ‘yun.”

Bago ang Los Bastardos, huling lumabas si Geoff bilang Kapamilya sa ABS-CBN series na La Luna Sangre taong 2017.

Ipinaliwanag naman ng 34-year-old star kung ano ang nag-udyok sa kanya na tanggapin ang bagong proyekto.

“Why not? When it was pitched to me, I was on the edge of my seat listening to it talaga. Actually, just the first week of the story, I said yes already. I guess it fell on my lap at the right time talaga,” aniya.

Ayon kay Geoff, ibang iba ang The Killer Bride sa mga nauna niyang proyekto dahil first time niyang magkakaroon ng ka-love team sa isang teleserye.

“Very different because this is the first time that I’m going to be with a love team pero throughout the run of the story, halos hindi kami magiging magkasama ni Maja. Only during the first part, and then, the rest of the show, we’ll see how it happens, how it ends. But with the run of the show, nagmamahalan kami pero hindi kami nagkikita,” aniya.

Sinabi naman ng aktor na maraming dapat abangan sa teleserye na, bukod sa kanya at kay Maja, tampok din ang bagong tambalang Janella Salvador at Joshua Garcia.

“Marami, eh. As of now, script-wise we only have the first two weeks. So, ‘yun pa lang ‘yung nababasa ko. So, when we were told kung paano nagra-run ‘yung show, and possibilities that could happen with it. Very excited talaga. I really don’t know what to expect of it but the only thing that I’m only looking forward to with this show are big things.”

Nakatakdang ipalabas ang The Killer Bride sa darating na Agosto.