• Home
  • Fresh Scoops
  • Iiwan na nga ba ni Xian Lim ang pag-arte para mag-focus sa pagiging director?

Iiwan na nga ba ni Xian Lim ang pag-arte para mag-focus sa pagiging director?

Mas gusto na ba ni Xian Lim mag-direct kaysa umarte ngayon?

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

7/12/2019 10:57 AM
Iiwan na nga ba ni Xian Lim ang pag-arte para mag-focus sa pagiging director?


Photo credit: @xianlimm on Instagram

Isa nang ganap na film director ang dating Star Magic artist na si Xian Lim. Kalahok ang kanyang directorial debut titled Tabon sa 15th Cinemalaya Independent Film Festival – August 2 to 11 sa CCP at August 7 to 13 in selected cinemas.

Sa solo interview ng PUSH sa aktor ay ibinahagi nito kung ano ang kanyang learnings at naging realization pagkatapos ang unang attempt niya na magdirek ng isang full length fim.

“Napakahirap palang gumawa ng pelikula, yon ang take away ko,” pahayag ni Xian sabay buntong-hininga.

Patuloy ng aktor-director, “Ang pinanggalingan ko kasi, I started of as an actor at ang ginagawa kasi namin, pagkagising susunod lang kami sa sinasabi ng mga tao sa set at ie-execute namin ang pelikula, tapos uuwi na kami at magpapahinga.

“But this time around, iba po ang responsibility ng director, ng filmmaker to everyone, to all the staff, to productions. So, I think it’s more of that.”

Nagkaroon din daw siya ng mas malalim na pang-unawa at pag-intindi sa sakripisyo ng mga tao behind the camera habang ginagawa niya ang Tabon.

“Totoo yon. Nagkaroon ako ng further understanding sa kanilang mga ginawa at ang laki ng natutunan ko. It gave me a new perspective talaga.

“Ako naman kasi before, focus lang ako sa sarili ko, gusto kong maitawid yung ginagawa ko. Kalma lang, parang ganun. Pero ngayon, it gave me whole another type of understanding and respect sa production,” lahad pa niya.

Pagkatapos ng mga pinagdaanang hirap, gusto pa ba ulit niyang magdirek ng pelikula?

Sagot ni Xian na hindi nagdalawang-isip, “Of course.

“Pagkatapos nga nito magsusulat ulit ako. This is very close to my heart.  This is my passion, I’ve always wanted to do this and finally nandito na ako and I will continue doing it.”

Mas gugustuhin na lang ba niyang magdirek kesa umarte?

Natawa siya, “Wag naman. Wag naman! I mean, napakalapit sa puso ko pa rin ng pagiging artista, but directing is a cool different world. Being with people, writing, ang saya sobra, it’s something na I want to do for a long time.”

Samantala, umaasa si Xian na maa-appreciate ng mga taong manonood ng Tabon ang istilo ng kanyang pagdidrek.

“Well, I hope I’m able to tell a compelling story. Sana they find it interesting,” huling pahayag niya sa PUSH