Sampung pelikulang kalahok sa PPP, inanunsyo na

Ibinahagi na ng Film Development Council of the Philippines ang mga pelikulang opisyal na kalahok sa nalalapit na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP).

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

7/11/2019 4:12 PM
Sampung pelikulang kalahok sa PPP, inanunsyo na


Mala-fiesta ang naganap na media presentation ng mga pelikulang kalahok sa ika-tatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na proyekto ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ang isa sa mga official na kalahok ay ang Cuddle Weather, na trailer pa lang, angat na ang pagiging daring ng Kapamilya star na si Sue Ramirez.  First time niyang gaganap bilang isang prostitute sa isang proyekto.

Kuwento ni Sue, dumaan siya sa matinding pagpapaalam sa kanyang pamilya bago tanggapin ang proyekto.

“In-explain ko naman po ng mabuti, siyempre bilang mga artista, hindi naman talaga namin ginagawa ‘yung mismong akto, ina-acting namin at pinag mumukha naming totoo, pero we’re not really doing it. So role lang talaga siya and naiintindihan naman nila ‘yun,” aniya sa panayam ng PUSH at ilang entertainment press.

“Very, very thankful din po ako sa family ko, they’re very supportive ever since and hanggang dito nga eh I’ve been venturing into medyo daring role,” patuloy pa ni Sue.

Ayon kay Sue, ito ang unang beses na gaganap siya ng mature role.

“First time ko itong gawin and it was a huge step of courage for me to take in this role, it is something I was afraid to take on, but I swallowed all the courage that I had and I say yes to this project without hesitations, kasi ang ganda e,” pahayag pa niya.

Samantala, narito ang kumpletong listahan ng mga pelikula na kalahok sa ikatlong taon ng PPP: 

Cuddle Weather ni Sue Ramirez at RK Bagatsing sa direksyon ni Rod Marmol.

 

LSS (Last Song Syndrome) ni Gabbi Garcia, Khalil Ramos at Ben & Ben sa direksyon ni Jade Castro.

 

The Panti Sisters starring Martin Del Rosario, Christian Bables at Paolo Ballesteros sa direksyon ni Jun Robles Lana.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sisterhood is Forever #thepantisisters #ppp2019

A post shared by Jun Robles Lana (@junrobleslana) on

 

G! starring McCoy De Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles at Mark Oblea sa direksyon ni Dondon Santos.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

G! #GTropaMovie

A post shared by G! (@gtropamovie) on

 

I’m Ellenya L na pinagbibidahan nina Maris Racal at Inigo Pascual sa direksyon ni Boy 2 Quizon.

 

Open ni Arci Muñoz at Jc Santos sa direksyon ni Andoy Ranay.

 

Watch Me Kill  na pinagbibidahan nina Jean Garcia at Jay Manalo sa direksyon ni Tyrone Ancieto.

 

Tampok din ang tatlong pelikula bilang bahagi ng selebrasyon ng isang daang taonng pelikulang Pilipino:

Circa ni Adolf Alix Jr., sa pangunguna ng mga premiyadong aktor at aktres na sina Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacklyn Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao at Anita Linda.

 

Lola Igna ni Eduardo Roy Jr. sa pangunguna nila Maria Isabel Lopez, Yves Flores, Angie Ferro at Meryll Soriano.

 

Pagbabalik ni Hubert Tibi at Maria Ranillo sa pangunguna nila Suzette Ranillo, Vince Ranillo at Gloria Sevilla.