• Home
  • Fresh Scoops
  • Matteo Guidicelli urges Boy Abunda to talk to Sarah Geronimo regarding marriage

Matteo Guidicelli urges Boy Abunda to talk to Sarah Geronimo regarding marriage

What’s next for Matteo Guidicelli after training for the Philippine Army reserve force?

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

7/11/2019 12:07 PM
Matteo Guidicelli urges Boy Abunda to talk to Sarah Geronimo regarding marriage


Sa Tonight with Boy Abunda, matapos ang 45 days training para maging reserve force of the Philippine Army, sinagot ni Matteo Guidicelli kung may balak siyang umalis sa showbiz para maging sundalo o sumabak sa politics. “I’m a hundred percent in showbiz and my manager said, ‘Matteo, it’s time to work na,’” ani Matteo. 

READ: Matteo Guidicelli on finishing scout ranger training: 'It humbled me so much'

“I’m sticking to the army and I’m representing the army. I’m not endorsing anybody. Kapag kasama ko si Presidente siya yung Commander in Chief namin, so we have to follow him,” dagdag pa ng actor-singer.

Tinanong din sa Matteo kung may balak na silang magpakasal ni longtime celebrity girlfriend Sarah Geronimo na magse-celebrate na ng 31st birthday niya ngayong taon. “When the perfect time comes,” sagot ni Matteo na hindi kinailang napag-uusapan na nila ni Sarah ang pagpapakasal. 

Nagkomento naman si King of Talk Boy Abunda at sinabing kaya naman pagsabayin ang married life at showbiz. “Di ba love… O sabihin mo kay love yan… Tito Boy talk to Sarah,” udyok ni Matteo sa host.  

READ:‘Love, iuwi na lang kita’: Matteo Guidicelli, ikinuwento ang pag-aalala ni Sarah Geronimo habang na sa Scout Ranger Training siya

May new song din si Matteo na “Sundo” na ayon sa kanya ay revival ng Imago song. Bukod dito aabangan din ang two movies at ang documentary ng journey ni Matteo habang nagti-train with the Philippine Army.